^

Pang Movies

May pa-ILY sa stage... Julie Anne, umamin na kay Rayver!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
May pa-ILY sa stage... Julie Anne, umamin na kay Rayver!
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

Nayanig ang Newport Performing Arts Theater last Saturday night nang finally ay sinabi na rin ni Julie Anne San Jose ang nararamdaman niya para kay Rayver Cruz.

Naganap ang bonggang pagsasabi ng “I love you” ni Julie Anne kay Rayver sa first concert nila together na JulieVerse.

Si Rayver muna ang nagpahayag ng kanyang nararamdaman kay Julie Anne which alam naman natin na noon pa dahil very vocal naman siya talaga about it sa interviews man o sa mga post niya.

Ani Rayver, “nung birthday mo, ‘di ba? Sinabi ko na sa iyo ang nararamdaman ko. Kasi, nandito tayo sa Newport, sa concert. Gusto ko na lang din ipadinig sa kanila, Julie Anne San Jose, I love you. I love you so much.”

Habang sinasabi niya ito ay magka-holding hands sila kaya naman dito pa lang ay napakalakas ng tilian ang maririnig mula sa kanilang fans.

Mas lalong lumakas ang sigawan nang magsabi na nga ng “I love you” si Rayver. Needless to say, super-kilig ang fans at hindi matapus-tapos ang tilian.

Mas lalong nagiba ang Newport Performing Arts Theater nang sumagot na si Julie Anne. Sey niya, “gusto ko lang sabihin na sobrang grateful ako sa iyo na dumating ka sa buhay ko. Ang daming nabago sa buhay ko simula nang dumating ka. Kaya gusto kong sabihin, I love you too.”

Siyempre, hindi lang ang fans ang tuwang-tuwa kundi si Rayver din mismo. Mahigpit na nagyakap ang dalawa sa gitna pa rin ng malakas na tilian ng fans.

Bukod dito, sobrang kinilig din ang fans sa performances ng JulieVer sa buong concert. Trending nga sa Twitter nang gabing iyon ang #JulieVerse at #JulieAnneSanJose. Pati ang video ng “kilig moment” na ‘yun ay nai-post na nga agad at paulit-ulit na na-share.

Sabihin pa, labis na pinaligaya ng JulieVer ang kanilang fans na noon pa’y naghihintay ng pag-amin mula sa kanila.

Tony, nanginig sa takot noon sa hearing

Ibinahagi ni Tony Labrusca na iniyakan niya talaga ang kasong acts of lasciviousness na isinampa sa kanya ng isang babae last year. Dumating pa raw siya sa puntong nagalit pa raw siya kay God dahil alam daw niya na wala siyang ginawa.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz, binalikan ni Tony ang panahong iyon na pumupunta siya sa korte para sa hearing at kung paano siya manginig dahil sa takot.

“Sobrang grabe, hindi ako makapaniwala sa experience na ‘to,” pagbabahagi niya. “’Yung feeling ‘pag nandu’n ka na sa court. Kasi public siya, so nandu’n ka sa court.

“Nandu’n ako, nakatayo sa harapan nu’ng judge. Ang daming tao sa paligid ko. Sa sobrang takot, tapos sa sobrang lamig ng kwarto, nginig ako nang nginig. Kinokontrol ko ‘yung sarili ko. Pero hindi talaga.

“As in nginig ako nang nginig. Parang aso na takot sa ulan or kidlat,” kwento niya.

“Each time, paglabas ko sa court, kailangan kong dumiretso sa CR, tapos iiyak ako. Ayokong makita ng mga tao. Tapos nagagalit ako kay God, kasi wala akong ginawa, alam kong wala akong ginawa.

“Tapos tinatanong ko Siya, ‘bakit ito nangyayari sa akin? Na sobrang feeling ko, para na ‘kong animal diyan,” pahayag ni Tony.

Ang masaklap pa raw ay walang naniniwala sa kanya that time. Pero nang nanalo raw siya ay wala naman daw halos pumansin.

Matatandaang noong Abril nitong taong ito ay na-dismiss ang kaso laban sa kanya kaya naman talagang vindicated siya nang bonggang bongga.

Nang time na nanalo siya ay gusto raw niyang balikan ang mga taong nang-bash sa kanya at nagsalita nang masama laban sa kanya. Gusto niya raw isampal sa mga ito na panalo siya. Pero nang matapos na raw ang kaso ay hindi na raw niya ito ginawa.

“Pagkatapos ng kaso, alam mo sabi ko, it doesn’t fucking matter anymore,” aniya.

In the end, may dapat pa rin daw siyang ipagpasalamat because nang dahil sa kasong ito ay marami raw siyang natutunan.

“It taught me a lot of humility. Sobrang proud ako sa sarili ko Mama Ogs kasi ang dami kong nakitang article. Ang dami kong nakikita na mga posts nila na grabe ‘yung pagbash sa akin.

“Tapos kinaya ko pala na wala akong sinabi, hindi ako nag-retaliate. It feels so much better pala to get to the finish line knowing that you didn’t stoop down to their level,” he said.

“Sometimes, kailangan lang nating maging patient kasi the loneliest road is often the most gratifying one,” wika pa ng aktor.

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with