^

Pang Movies

Dennis, nahiya sa kilig ni Barbie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dennis, nahiya sa kilig ni Barbie!
Barbie

Ang pagkakaroon ng crush ni Barbie Forteza ang pinag-uusapan ng netizens tungkol sa Maria Clara at Ibarra kung saan, gumaganap siyang Gen Z Maria Clara at si Dennis Trillo ay gumaganap sa role ni Crisostomo Ibarra/Simoun. Kaya para sa nag-uusap-usap na netizens, mas may chemistry ang dalawa dahil may kilig factor sa side ni Barbie.

Sabi pa ng netizens, siguradong kilig na kilig si Barbie sa mga eksena nila ni Dennis dahil nga long time crush niya ang aktor bago pa man niya nakilala at naging boyfriend si Jak Roberto.

Sa interview sa 24 Oras, sabi ni Barbie, “Dream come true for me na makasama si Dennis at very proud ako na makasama ko siya finally.”

Matagal na ring alam ni Dennis na crush siya ng aktres and knowing him, siya pa ang nahihiya rito.

Sa nag-comment naman na bakit si Barbie na naman ang bida sa Maria Clara at Ibarra, sinagot siya ng isa pang netizen na dahil sa mahusay na aktres si Barbie. Bukod doon, versatile pa dahil mapa-drama, comedy at rom-com, kayang-kayang iarte. Ang pinakaimportante pang rason ay dahil rater ang shows ni Barbie sa GMA 7, as in, lahat nagre-rate.

Pinuri ni Barbie si Director Zig Dulay dahil sobrang mabusisi bago kunan ang mga eksena. Tungkol naman sa kanyang costume, legit daw ang costume niya, pero mabigat at mainit.

Ruffa, nagsalita kung bakit wala sa showtime

May sagot si Ruffa Gutierrez sa nagtanong kung lumipat na ba siya sa ALLTV at iniwan ang ABS-CBN at ang It’s Showtime? Nalulungkot ang nagtanong kung wala na sa show si Ruffa dahil siya raw ang favorite judge niya.

“Hindi ko iniwan ang @itsshowtime. I’m on a vacation po,” sagot nito.

Sa pagtsi-check namin sa Instagram ni Ruffa, nasa Milan, Italy ito kasama ang anak na si Venice Bektas.

Kaya natanong ito kung umalis na ba siya sa It’s Showtime dahil present siya sa soft launching ng ALLTV at kabilang sa ipinakilala ni Willie Revillame.

Speaking of Ruffa, ipinalabas sa London ang Maid in Malacañang noong Sept. 24 at may another screening sa Oct. 1. Ang dami ng bansang napuntahan ang nasabing pelikula sa eight weeks nitong showing at marami pang naka-schedule na international screening.

Pia, may nerbyos sa pagtakbo

May update si Pia Wurtzbach sa Instagram sa pagsali niya sa New York marathon. Nasa treadmill si Pia sa photo na kanyang pinost bilang patunay sa kanyang paghahanda.

“Less than 2 months before @nycmarathon. I’m not gonna lie. I get nervous  when I think about Nov.6. Any running advice from marathoners would be really helpful. I mean, what do you even wear? Do you wear your name on your shirt? A flag? I’m so clueless.

“When it comes to my training naman, I have coach @gabbrosario training me everday. We started early this year and his goal for me is to finish strong. Ayaw namin na maglakad ako. 42kms! Lord kaya ko ‘to.”

Marami ang nag-cheer at nagbigay ng tips kay Pia na kanyang pinasalamatan. Gaya ng “wear bright colors that make u feel good... wear a big smile, hydrate at every station even with a sip, take gels every 7k...”

Natawa lang si Pia sa nag-suggest ng “Wear your sash daw madam go go go!!!” na sinagot ni Pia ng “hahaha omg nakakahiya yun HAHAHAHA.”

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with