^

Pang Movies

Agot, napagkamalang pulubi ng kapwa aktres

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Agot, napagkamalang pulubi ng kapwa aktres
Agot

Marami ang naghihintay sa sagot ni Agot Isidro sa Facebook post ni Jobelle Salvador na “Si Agot ba ito? My friend told me to check kasi daw kamukha daw nung namamalimos na babae sa C5 na nag-nga-nga-nga... no offense but is this really her?”

Sinamahan pa ni Jobelle ng picture ni Agot ang kanyang post at kahit naman hindi fans o supporter ni Agot at kahit hindi niya friend, na-offend sa post na ‘yun ni Jobelle, kaya nabatikos siya. Sa rami ng nag-react at bumatikos kay Jobelle, binura niya ang kanyang FB post, kaya lang, ayaw pa rin siya tigilan, kaya ibinalik nito ang kanyang post.

Sabi ni Jobelle, gusto lang niyang kumpirmahin kung si Agot ba ang babae sa C5, hinaluan daw ng pulitika ang kanyang post. Supporter kasi ni Leni Robredo si Agot at si Jobelle ay supporter ni President Bongbong Marcos.

“I’m not here to make things worst or to cause hatred, but I just simply wanted to know the facts. Even now that I know the truth, this is my account, my wall, my rules!!! Therefore, I’m going to repost it. I wonder lang, sa dinadami naman kasing magagandang picture ni Agot, ito pa talaga yung napiling ilagay?!! Sa mga ba­shers, sabi nga ni Agot dib a DEADMA IS the key e bakit galit na galit kayo?!! affected?”

Tama rin naman ang mga nag-comment na sana nagtanong muna si Jobelle sa mga kaibigan niya na kakilala si Agot o kaya binisita ang socmed account nito to know the truth. Dahil nangyari na, wait na lang tayo sa resbak ni Agot.

Tim, pinuri si Bea

Kasama pala si Tim Yap sa cast ng Start-Up PH at ang gagampanang role ay bilang si Mr. A, isa sa mga mentor na makikilala ng mga karakter nina Bea Alonzo, Jeric Gonzales at iba pang ang karakter ay kasama sa Sandbox PH.

Sa interview kay Tim ng GMA Network, nabanggit na masaya siyang makatrabaho ang friend niyang si Bea. “Working with Bea was such a joy, kasi magkaibigan naman na talaga kami pero ngayon lang kami nagkatrabaho. Watching a really really good actress on set for me... nawawala ‘yung character ko kapag pinapanood ko si Bea. Talagang naging fanboy ako. Ang galing niya, napakanatural, napakagaling mag-deliver ng lines.”

Hirit pa ni Tim, isa sa ikinatuwa niya being part of the cast is “watching all these amazing actors do their thing.”

May pa-teaser na ang GMA 7 na malapit na ang world premiere ng Start-Up PH at makikilala na natin ang buong cast at mapapanood ang local adaptation ng hit South Korea series.

Moira, ‘di lumaban sa mga nanlait sa kanyang katabaan

Talamak talaga ang body shaming online at lahat na yata ng tao naging biktima ng body shaming at isa na rito si Moira dela Torre. Nag-post kasi ang singer ng bagong profile sa Facebook at isang netizen ang nag-comment na tinitingnan din ng mga lalake ang katawan ng mga babae.

Mahinahon ang sagot ni Moira, hindi siya magpapapayat para lamang sa isang laleke. Kung magpapapayat man siya, iyon ay para sa kanyang sarili.

“At the end of the day, every person deserves someone who can love them and be faithful to them in all their phases, in every season- sickly, healthy, thin o fat. I hope you’re eating well and that whoever you’re with know your value and your worth whatever size you are.”

Marami ang bumilib sa naging sagot ni Moira sa body shamer, pero ang fans at followers niya ang nanggagalaiti.

AGOT ISIDRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with