^

Pang Movies

Jaime, buwis-buhay para kay Coco

Pang-masa

MANILA, Philippines — Katapusan na ba ni Lolo Delfin (Jaime Fabregas)?

Mukhang tuluyan nang isinakripisyo ni Delfin ang kanyang buhay upang iligtas sa kapahamakan ang minamahal niyang apong si Cardo (Coco Martin) sa FPJ’s Ang Probinsyano na tuluy na tuloy na raw ang pagbabu sa ere sa Aug. 5.

Kaya naman tinutukan ng viewers ang maaksyong bakbakan dahil winasak ng serye ang sarili nitong viewership record matapos magtala ng all-time high na 350,373 live concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Lunes (Hulyo 11).

Naiwang duguan at walang malay si Delfin matapos siyang paligiran ng grupo ni Armando (John Estrada). Pero kahit nagdusa si Delfin sa kamay ng kalaban, nakatakas naman si Cardo sa pagbabaril sa kanya at natuklasan na rin niyang totoong traydor si Armando at ang grupo nito.

Habang nasa panganib pa ang buhay ni Cardo, wala siyang kaalam-alam sa planong pag-rescue sa kanya ng buong pwersa ng Task Force Agila, kasama na rin sina President Oscar (Rowell Santiago) at Aurora (Sharon Cuneta). Subalit, nabawasan ng kakampi ang mga Agila dahil pinatay na ni Lolita (Rosanna Roces) ang dati nitong kasamahan na si Lucas (Joseph Marco).

Mas iigting pa ang maaksyong salpukan ng Task Force Agila laban sa grupo nina Armando dahil sisingilin na nina Oscar at Aurora sina Armando at Lolita sa diumano’y pagpatay nila sa nag-iisang anak nilang si Mara (Julia Montes).

Mas tumitindi ang aksyon sa FPJ’s Ang Pro­binsyano gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

vuukle comment

JAIME FABREGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with