^

Pang Movies

Nora, National Artist na

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nora, National Artist na

Nakamit na rin ng superstar na si Nora Aunor ang masasabing pinakamataas na award para sa isang alagad ng sining bilang National Artist For Film.

Matatandaang ilang beses na-bypass ang award na ito para kay Ate Guy at kamakailan nga eh iginawad na sa kanya ang award.

Narito ang opisyal na pahayag ni Nora sa pagkakahirang sa kanya bilang National Artist.

“Wala po akong maisip na sasabihin ko sa ngayon dahil sa labis na kasiyahan sa aking puso at para po sa ating lahat.

“Sa mga taong nanalangin po at nakipaglaban hanggang sa huli para maibigay sa akin ang kanilang pinapangarap na isang National Artist for Film.

“Higit po sa lahat, walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon, sa MAMA at PAPA ko, sa aking pamilya at mga anak, lalo na sa pinakamamahal kong at mga taong nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila mula noon hanggang ngayon.

“Marami salamat po sa ating mahal na Pangulo na si President Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito. “

Bukod kay Ate Guy, ang kilala sa showbiz na binigyan rin ng National Artist Award ay sina Ricky Lee – Panitikan at ang pumanaw na si Tony Mabesa – Treatro na nakasama ni Nora sa movie – at iba pa.

Congratulations, Ate Guy and to other awardees.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with