LOL, kinakapos sa ingay!

Nakakahinayang ang Lunch Out Loud. Mga bigatin din ang hosts nila like Billy Crawford, Bayani Agbayani, Isabelle Daza, at isa pang female host na ayokong pangalanan, ok naman, pero bakit parang walang ingay ang programa.

Sayang kasi pinanood ko siya ng one week at ok naman siya. Energetic at maganda ang mga spiel. Nakakatawa ang mga comedy line, maayos ang takbo ng programa. Sayang nga at hindi ito napapansin.

Dapat siguro makaisip ng iba pang marketing strategy sila Pat-P Daza at Brightlight Productions dahil puwedeng-puwedeng lumaban ang Lunch Out Loud sa tanghali.

Huwag nang isiping tatalunin ang Eat Bulaga na talagang pader na, pero to be a second alternative kayang-kaya ng LOL. Mas maganda pa nga ang takbo ng script nila kesa sa It’s Showtime na nakakasawa na ang ilang gimmicks.

PETTY..

Para bang may certain air of sweetness ngayon. Overwhelming ‘yung mga pagbati na umabot sa akin nitong ika-75th birthday ko. Kahit mga hindi ko na madalas makita o makausap nagpadala ng pagbati.

Pero isa ang napansin ko, kahit isang member ng PAMI (Professional Artist Managers, Inc. ) kung saan hindi ko alam kung expelled member na ako kaya wala akong natanggap, hah hah hah. Very petty, ‘di ba, kahit hindi na member hindi pala ako itinuring na friend ng ilan sa kanila. Ok may love quarrel kami ni Dolor Guevarra, ngayon baka may tampo si Shirley Kuan dahil kay Bea Alonzo, eh ‘yung iba, sina Manny Valera, Perry Lansigan at lalo na si Chito Roño, kasali sa away? Hah hah hah, na-excite na naman ako, parang gusto ko na namang mag-mental challenge.

Advertising
Scroll to continue

Para bang type ko tuloy i-investigate ang buhay ni Ivana Alawi na hindi ko ginawa dahil nga nakiusap si Perry na manager niya. Dahil gusto nila ng petty, ganun din ang gagawin ko, hah hah hah. Pag-iisipan kong mabuti, dapat bongga ang mga reveal, para winner.

Pero bago ko pa magawa ‘yun, nagpadala na ng regalo si Perry at nag-text na rin sina Leo Dominguez, Manny Valera at si Chito Roño.

Hahaha. Patatawarin ko ang mga bumati sa akin. Pero ‘yung iba, wiz noh. Hahaha.

Show comments