^

Pang Movies

Nova, maliksi at magaan pa ang katawan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Nova, maliksi at magaan pa ang katawan

Wow! Nakita ko ‘yung video kung saan nagti-TikTok si Nova Villa. Talagang nainggit ako ha. Pareho kami ng edad, 75 years old pero mas magaan ang katawan ni Nova at mas maliksi.

Naisip ko, ano kaya ang naiba, bakit parang mas energetic siya? At parang hindi sumasakit ang mga buto niya? Inggit talaga ako na hindi siya hinihingal after niya sumayaw, bongga. Sabi ni Gorgy at Salve, kasi raw wala akong exercise, lagi lang nakaupo at hindi naglalakad.

Well, heto tuloy, konting lakad, hingal na. Matagal nakatayo, masakit na ang mga buto. Naku, hayaan mo na nga, panonoorin ko na lang si Nova at ‘yung iba na edad 75 pero mas maliksi.

Street smart vs Book smart…

‘Yung pagbubukas-mata sa edukasyon dahil sa mga maling naging sagot ng PBB housemates sa tanong ni Robi Domingo, OA na rin. Mas mahusay pa rin na street smart ang isang tao kesa alam mo nga ang mga sagot na galing sa libro pero hindi mo naman alam ang takbo ng tunay na buhay.

Gusto ko ‘yung sagot ng mga bagong lawyers na pumasa sa bar exams, na hindi kailangan ang mataas ang edukasyon ng isang leader, mas magandang may mabuti siyang puso at totoong gusto ang pagtulong sa tao. Hindi ‘yung formal education ang quality ng isang good leader, ‘yung kind and caring heart niya. Ok na meron kang edukasyon, matalino, mataas ang pinag-aralan, meron ka na agad mataas na puntos sa laban sa buhay.

Pero hindi lahat ng may mataas na edukasyon nagtagumpay, mas marami pa rin ang mga suwerte ang nagdala sa kung saan sila ngayon tinitingala. ‘Pag nandu’n na kayo sa finish line, pantay-pantay na kayo, wala nang leveling, hindi na itatanong kung saan ka nagtapos na school at kung ano ang course mo, kasi nga pareho na kayo ng posisyon.

vuukle comment

NOVA VILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with