^

Pang Movies

Marka sa tiyan ni Heart, pinagtatalunan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Marka sa tiyan ni Heart, pinagtatalunan!
Heart Evangelista.

Pinagtatalunan ng netizens kung dahil sa IVF treatment ang green spots na nakita sa tiyan ni Heart Evangelista habang nag-a-IG story ito at kitang-kita ang mga marka. Ang IVF treatment o In Vitro Fertilization ay medical procedures na tumutulong sa mga babaeng hirap magbuntis at ‘yun daw ang treatment na ginawa kay Heart, kaya may bruises ito.

Tinanong si Heart kung ang bruises sa tiyan niya ay dala ng pagpapatunaw niya ng fats? “Haha no darling nooo” ang sagot ni Heart. Pero, nang may mag-comment ng “Omg, is it from IVF treatment? Congratulations in advance!!,” hindi na sumagot si Heart, lalo tuloy naniwala ang netizens na dala ng IVF treatment ang bruises niya sa kanyang tummy.

Ano nga ba ang totoo sa bruises sa tiyan ni Heart? Hangga’t hindi niya ito sinasagot, patuloy ang haka-haka ng netizens o tama ang suggestion ng isang fan ni Heart na mag-abang na lang two to three months from now kung mabubuntis na si Heart.

Excited na nga ang supporters ni Heart dahil kahit wala pa siyang sinasabi kung bakit may bruises siya sa tiyan, may mga nag-congratulate na sa kanya. May nagbiro namang nagtanong kung anong brand daw ang bruises ni Heart.

Rabiya, nanglito sa suportadong kandidato sa pagkapangulo

Nabasa namin ang comment ni Louie Heredia sa Instagram ni Rabiya Mateo na “Leni tayo ha! @rabiyamateo” na hindi pa sinasagot ni Rabiya.

Naisip namin na kaya may ganu’n comment si Louie na good friend ni Rabiya dahil napanood siguro ang vlog ni Rabiya na kung saan, may nagtanong sa kanya kung sino ang iboboto sa mga presidentiable? Idinaan ni Rabiya ang sagot sa pagkanta ng “Bongbong.”

May mga nagbiro kay Rabiya na lagot siya sa Kakampink dahil ika-cancel siya o ipapa-cancel dahil sa kanyang sagot. May nag-akala naman na baka ganu’n ang sagot ni Rabiya dahil kasama niya si Sen. Bong Revilla sa vlog na parang sa taping ng Agimat ng Agila ginawa.

Kung ibabatay naman daw sa latest post ni Rabiya, pink suit ang suot nito na ang dating sa netizens ay pine-flex niya ang pagiging Kakampink.

Pinusuan gamit ng pink heart emoji ang post na ‘yun ni Rabiya at walang naligaw na UniTeam supporters.

Fastfood nina Daniel at Karla, inaasahang dudumugin

Mukhang magiging hit ang franchise branch ng isang fastfood nina Karla Estrada at anak na si Daniel Padilla na nasa Tacloban City dahil hindi pa man operational, may mga request na kay Karla to open more franchise branches in Leyte.

May nag-request na magbukas sila ng franchise sa Ormoc City, meron daw nagre-request na magbukas sila ng franchise sa Hilongos, Leyte at sa iba pang parte ng Leyte.

Sa April 5, 12nn ang opening ng branch nina Karla, Daniel at the whole Ford family, may parade muna, susunod ang ribbon cutting at program. Kapag dumating si Daniel sa opening, lalong masaya at magkakagulo ang fans.

Anyway, napupuri sina Karla at Daniel dahil kahit magkaiba ang sinusuportahang presidentiable, walang gulo sa mag-ina. Sina Bongbong Marcos at Sara Duterte ng UniTeam ang kay Karla na tumatakbo ring representative ng isang Partylist. Open naman si Daniel sa pagsuporta kay VP Leni Robredo at pati na siguro kay Sen. Kiko Pangilinan.

Xian, naglikot sa skydiving

Hindi lang nag-perform sa Dubai si Xian Lim, naka-experience rin siya ng skydiving at marami siyang photos to record his experience.

Sabi ni Xian, “When fears are grounded, dreams take flight.

“Tinatapik ako ng instructor ang kulit ko daw sa ere. Kung ano-anong hand gestures ginagawa ko, gumegewang aerodynamics.

“Thank you to my Kapuso family for making this trip possible. This whole experience is full of learnings and it is such a humbling experience to perform in the Dubai Expo 2020 and have the opportunity to raise the Filipino flag sa harapan ng iba’t ibang nationalities.”

And speaking of Xian, naurong sa May ang airing ng False Positive nila ni Glaiza de Castro, pero pinalalabas na ang teaser ng series na mapapanood sa primetime slot.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with