_pang-masa
^

Pang Movies

Heart, sinagot ang pumintas sa lukut-lukot niyang kilikili

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Heart, sinagot ang pumintas sa lukut-lukot niyang kilikili

Isa sa hinahangaang katangian ng bida ng I Left My Heart In Sorsogon, Heart Evangelista, ay ang hindi pagpatol sa bashers. May isa kasing basher na sinabing “parang lukut-lukot daw ang kilikili ni Heart.” Sinagot ito ni Heart ng: “Hi perfect. Habang may dugo ka sa katawan your skin will move, bulge, wrinkle or stretch. Di naman wax figure unless pa-edit ko? Ayoko naman’yun. Stay perfect share naman tips.”

Ang basher, dali-daling binura ang comment pero may mga naka-screengrabbed na.

Ang I Left My Heart In Sorsogon ay mapapanood na mid-November sa GMA 7.

Dennis at Jennylyn, last year pa sinimulan ang lilipatang bahay

Napaghandaan na rin pala ng soon-to-be parents na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang kanilang future family after their civil wedding this November. Sa ngayon ay under construction na ang future home nila, na malayo sa city, somewhere sa Rizal, overlooking with a great view. 

Siniguro ni Dennis na their kids, Dennis’ son Calix and Jen’s son Jazz, and the coming baby, na they can roam free at i-enjoy nila ang fresh air. 

 Sa isang interview, ayon pa kay Dennis, nagsimula na silang ipatayo ang bahay early last year at hopefully ay matapos na ito this December 2021.

Meanwhile, ang embryo ni Jennylyn ay mananatiling naka-freeze in a clinic at Dallas, Texas, at sakaling magdesisyon silang ituloy pa rin ang pag-implant ng embryo, ay puwede silang bumalik para isagawa ang procedure.

Xian, may suwerte sa mga leading lady na nabubuntis

‘Maswerte’ yata si new Kapuso actor, Xian Lim, na magkaroon siya ng ‘kaugnayan’ sa pagbubuntis ng dalawang aktres, na parehong produkto ng reality-based artista search na StarStruck ng GMA Network? Si Ryza Cenon ay Ultimate Female Survivor ng StarStruck 2 at si Jennylyn Mercado, Ultimate Female Survivor ng first season ng StarStruck.

Si Xian ang leading man ni Ryza sa movie nilang Sa Muli ng Viva Films in 2020, na hanggang ngayon ay hindi pa naipalalabas dahil sa COVID-19 pandemic at sa hindi inaasahang pagbubuntis ni Ryza. Hindi alam ng actress na preggy na siya sa cinematographer na si Miguel Antonio Cruz at three months na siyang preggy nang magsimula silang mag-shooting ng movie. Nahinto ito at isinilang ni Ryza si Baby Night on October 2020.

Si Xian din ang leading man ni Jen sa GMA TV series na Love. Die. Repeat. Three months na rin si Jen nang malaman niyang preggy na siya at ipinaalam niya ito sa GMA na nag-decide namang ihinto na muna ang taping ng serye. Kaya labis ang pasasalamat ni Jen sa GMA.

Promise naman ng GMA na bibigyan muna ng ibang project si Xian habang naghihintay ng availability ni Jen.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with