_pang-masa
^

Pang Movies

Gary V., naka-quarantine!

Gorgy Rula - Pang-masa
Gary V., naka-quarantine!

MANILA, Philippines — Hindi pala natuloy ang pagbabalik ni Gary Valenciano sa ASAP Natin ‘To kahapon dahil sa kanyang driver. Marami ang naintriga sa mga nakaraang post ni Gary V. na ang buong akala nila ay aalis na rin siya sa Kapamilya channel.

Pero nilinaw na mismo ng asawa niyang si Angeli na personal na decision ang pinag-iisipan ni Mr. Pure Energy at hindi professional.

Dapat ay balik-ASAP na siya kahapon pero hindi siya in-allow dahil nang magpa-RT PCR test sila, nag-positive raw ang driver nito.

Bilang na-expose doon si Gary, hindi na siya itinuloy.

Pero ipina-antigen test daw nila ang driver nito, nag-negative at idinaan uli sa RT-PCR test, negative rin.

Pero hindi pa rin sila in-allow dahil dapat sundin daw ang protocols na ma-quarantine ng ilang araw.

Kaya kailangang naka-quarantine raw si Gary V., pati ang handler niya hanggang Nov. 6, saka lang siya makakabalik sa naturang Sunday variety-noontime show.

Ervic, uunahin ang advocacy movie

Thankful ang aktor na si Ervic Vijandre dahil bago siyang magiging aligaga sa pangangampanya sa darating na eleksyon, nabigyan siya ng magandang film project na gustung-gusto niyang gawin.

Kinuha siyang lead actor sa advocacy movie ng PDEA na pinamagatang Buy Bust Queen. Si Phoebe Walker ang lead actress at siya ang makaka-partner ng aktres na gumaganap bilang PDEA agent.

Gustung-gusto ni Ervic ang project na ito dahil ang drug problem ang isa sa gusto rin niyang tutukan kung sakaling palarin siyang manalong konsehal sa San Juan.

Ayon kay Ervic, makikita raw sa pelikulang ito ang buhay ng isang PDEA agent. Kung anong training ang pinagdaanan nila, at kung ano talaga ang trabaho ng mga nasa naturang ahensya.

Nagsimula na sila nung nakaraang linggo at kinukunan ngayon ang kabuuan ng pelikula sa Kalinga, Apayao, at meron din sa Antipolo at Quezon City.

Maingat naman daw sila sa kanilang shooting na talagang lahat sila ay dumadaan sa antigen at RT-PCR tests, kasama ang ilang taga-PDEA na nagga-guide sa kanila.

Ilan sa mga kasama niya rito ay sina Jeric Raval, Alex Medina, Jeffrey Santos, Maxine Medina, Ricardo Cepeda. Si JR Olinares daw ang direktor nito.   

GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with