_pang-masa
^

Pang Movies

Hidilyn, handa nang magkapamilya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Hidilyn, handa nang magkapamilya

Sa Zoom interview ni Ms. Mel Tiangco kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz habang naka-quarantine sa Sofitel, natanong siya ng 24 Oras news anchor kung ano ang plano niya pagkatapos ng 2020 Olympics? Gusto rin daw ba ni Hidilyn na mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya? Napangiti si Hidilyn, gusto rin daw niyang mag-asawa at magkaroon ng anak.

Kasabay na bumalik ng Pilipinas ni Hidilyn ang boyfriend at coach niya for three years, si Julius Irvin Naranjo, a Filipino-Japanese weightlifter na nakilala niya sa Asian Indoor and Martial Arts Games in Ashgabata, Turkmenistan in 2017. (Siya iyong guy in blue na tumakbong lumapit at mahigpit na yumakap kay Hidilyn pagkatapos siyang i-announce na winner). Maganda ang naging relasyon nila at pagiging coach ni Julius na naintindihan ang goal ni Hidilyn na makuha ang Olympic gold medal kaya hininto na niya ang kanyang personal goal, para tulungan si Hidilyn.

Sa isang interview sa kanila noon, natanong sila kung balak na nilang magpakasal, ang sagot nila, “we agreed to wait until the Olympics.”

Matuloy kaya iyon ngayong tapos na ang 2020 Olympics? Nagpahayag na kasi si Hidilyn na paghahandaan naman niya ang Southeast Asian Games 2022 na gaganapin sa Vietnam.

Sanya, pasorpresa ang susunod na gagawin

May balitang papalitan na raw si Sanya Lopez ni Andrea Torres sa book two ng fantasy action series na Agimat ng Agila pero wala pa namang sinasabi ang actor-producer kung sinu-sino ang mapapalitan at madadagdag sa cast ng action-serye.

Katatapos lamang mag-renew ni Sanya ng contract sa GMA Network at GMA Artist Center, pero sunud-sunod pa rin ang paggi-guest niya sa shows ng GMA. Ngayong Sunday, makikipagkulitan naman si Sanya kina Boobay at Tekla sa The Boobay and Tekla Show.

Pagkatapos ng contract renewal ni Sanya, isa raw sorpresa ang susunod ng project niya. Ito na kaya ang book two ng First Yaya nila ni Gabby Concepcion?

Kisses, tinutulungan ni Marian

Ang suwerte naman ni Kisses Delavin, isa siya sa pumasok sa Top 100 na lalahok sa Miss Universe Philippines beauty contest, dahil no other than her Ate Marian (Rivera) ang tumutulong sa kanya. Magkasama sina Marian at Kisses sa Triple A management ng APT Entertainment. Sa pamamagitan ng Instagram niya, nire-request ni Marian sa kanyang fans na iboto si Kisses para makapasok naman sa Top 75. Sa latest pic ni Kisses, kita nang pinaghahandaan niya ang beauty contest.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with