^

Pang Movies

Bea, pumayag ilantad ni Dominic?!, Coco at Julia, wala nang tinatago!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Bea, pumayag ilantad ni Dominic?!, Coco at Julia, wala nang tinatago!

Obviously, pumayag na si Bea Alonzo na magpakita na sila na magkasama ni Dominic Roque sa social media.

Kahapon ay may IG story si Dominic at bagong Kapuso actress.

Kasalukuyang nasa California ang magkarelasyon na ngayon ay lumalantad na.

Matagal na kinokonek-konek ng kanilang fans ang mga lakad nila dahil nga wala silang inaamin at puro hint lang ang binibigay nila.

At least, bongga ‘di ba. Kesa naman feeling connect the dots lagi ang drama ng kanilang fans as if may iniilagan sila at hindi puwedeng ilantad ang relasyon.

Ganito rin ang development kina Coco Martin and Julia Montes habang nasa Mindoro at nagso-shooting ng pelikula, nagpapaka-normal sila at all out na sa lambingan.

Ano pa nga namang point para magtago sila or maglihim.

Willie, napilit kumandidato?!

Uy, malaki pala ang chance na kumandidato nga sa pagka-senador ang billionaire host na si Willie Revillame.

Bago nag-umpisa ang digital talkshow na Take It... Per Minute, Me Ganon!? kahapon ay kausap ni Nay Cristy Fermin si Willie at pakiramdam daw niya, kahit pa gusto niya itong pigilan ay hindi niya makakaya dahil literal daw na inaaraw-araw si Willie ng grupo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pero si Raffy Tulfo diumano ang malabong bumigay sa imbitasyon ng admi­nistration na kumandidato at sumabak sa 2022 elections ayon sa manager nitong si Ogie Diaz bago rin nag-start ang episode 107 ng programa nina Manay Cristy, Manay Lolit Solis and Mr. Fu.

Si Robin Padilla ang isa pa sa sinasabing kakandidato rin. In a way ay naniniwala pa sila (TIPMMG hosts) na baka ma-sway ang stand ng actor na tumakbo lalo na nga at minsan na itong kumandidatong vice governor sa Nueva Ecija but sadly, hindi siya nagwagi.

Ayon sa ibang sources ay kasama ang tatlo sa senatorial line-up ng administration sa 2022.

Malapit nang malaman kung sinu-sino nga ang mga sasabak sa mas mataas na posisyon sa 2022.

Kabilang din sa sinasabing kakandidato sa pagka-senador sina Reps. Vilma Santos and Lucy Torres.

vuukle comment

BEA ALONZO

DOMINIC ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with