_pang-masa
^

Pang Movies

Alden, may pa-raffle para manood ng kanyang serye

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, may pa-raffle para manood ng kanyang serye
Alden

May pagka-gray ang character na gagampanan ni Alden Richards sa bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The World Between Us, kaya kung noong unang ikinuwento sa kanya ang magiging role niya na medyo naging hesitant siya, nang mabasa na niya ang script at nagkaroon na sila ng script reading, hindi na nagbago ang isip niya dahil matagal na niyang gustong makagawa naman ng project sa TV na hindi laging good boy ang character niya.

Ang nagawa pa lamang niyang iba ang character niya ay sa movie niyang The Road for GMA Films in 2011. 

Sa TWBU, siya ay si Louie Asuncion, an intelligent orphan who will work his way up to prove that he can give the world to the woman he loves.

Ngayong araw, July 5, at 8:00 p.m. ang world premiere ng seryeng dinidirek ni Dominic Zapata, kaya naman may pa-watch and win si Alden sa televiewers. 

Wala silang gagawin kundi mag-selfie habang nanonood ng serye na nakikita sa TV ang ipinalalabas na first episode, at i-post ito sa inyong Twitter account with hashtag #TheWorldBetweenUs. Three lucky winners will receive iPhone 12 Promax and one winner of LG OLED 55 inch. Alden will pick the names of the lucky winners na ipu-post niya sa kanyang social media accounts.

Yaya… hinihiritan ng book 2

I-grant kaya ng GMA Network ang wish ng netizens na magkaroon ng Book 2 ang katatapos na romantic family series na First Yaya? Marami agad nag-tweet nang matapos na ang episode na sana raw ay isunod kaagad pagkatapos ng The World Between Us na papalit na sa kanila simula mamaya, ang book 2 ng First Yaya.

Kaya napansin agad ng viewers sa last scene na supposedly ay honeymoon nila sa Maldiviano Ponte na nagkita na pala si President Glenn Acosta at ang domestic helper na si Melody, doon din sa lugar na iyon nang mawala niya ang favorite niyang fairy tale book na The Dragon and the Princess na si Glenn ang nakapulot at naisauli sa kanyang address.

At sa huling eksena nina Gabby at Sanya, nag-iwan ang show ng “Sa Muling Pagkikita.....”

Bea, aalis na

Any day now ay paalis na pala si new Kapuso actress Bea Alonzo para sa ilang araw na bakasyon sa USA, para raw siya mag-recharge.  Dahil pagbalik ni Bea ay sisimulan na raw niya ang shooting nila ni Alden Richards ng movie nilang A Moment To Remember, na Pinoy adaptation ng isang Korean Film.

Isusunod din agad ni Bea ang isang primetime teleserye na nakahanda na rin at mayroon na siyang leading man at may casting na rin. Tikom pa lamang ang bibig ni Bea kung ano ang title at kung sinu-sino ang makakasama niya sa cast.

Kasalukuyang nasa Los Angeles, California ang manager ni Bea, at malamang magkita sila roon at sabay nang bumalik ng Pilipinas.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with