Aktor na alaga ng beki, ang laki ng itinaba
Dumadambuhala ang hitsura ngayon ng isang male star nang makita namin sa isang programa, huh!
Guwaping naman ang male star pero sobrang taba niya ngayon!
Eh nahiyang yata siya sa pag-aalaga sa kanya ng isang beki na madatung! Kaya hayun at lumaki nang lumaki!
Mula nang alagaan ng beki, pasulput-sulpot na lang ngayon ang male star sa TV.
Ate Guy, inuna ang bakuna kesa sa award
Nataon sa schedule ng pagbabakuna sa kanyang second dose si Nora Aunor kaya hindi nakadalo sa Luminare Award para sa kanyang pagiging Hall of Famer for Cinema.
Sa bahagi ng kanyang speech, nagpasalamat si Ate Guy sa bumubuo sa Asia Pacific Luminare Awards para sa karangalang ibinigay sa kanya.
“Maraming salamat na sa tinagal-tagal ng panahon, patuloy ninyong naaalala ang aking naging ambag sa industriya na aking kinabibilangan.
“Isang malaking karangalan po para sa akin na tanggapin ang binibigay ninyong parangal bilang Hall of Famer of Philippine Cinema.”
Kahit marami nang natatanggap na parangal sa iba’t ibang award-giving bodies, “Pero nagugulat pa rin ako, natutuwa, at minsan ay napapatanong kung ako nga po ba ay karapat-dapat sa mga binibigay sa aking parangal.”
Patuloy raw na magbibigay ng inspirasyon si Ate Guy lalo na sa bagong henerasyon. Katatapos lang niyang gawin ang pelikulang Kontrabida mula sa Godfather Productions sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.
- Latest