_pang-masa
^

Pang Movies

Cong. Vi excited na sa apo kay Luis, bading isyu sinagot

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cong. Vi excited na sa apo kay Luis, bading isyu sinagot
Cong. Vi

“Don’t get me wrong. I have nothing against gays. Inaamin ko karamihan sa fans ko gays. Ang dami kong naging director at kabilang sila sa pinakamahuhusay, na gays din. May mga nakatrabaho rin akong producers na gay. Iyong TV shows ko noon, marami ring gay. Paano ako nabuhay nang ganun kung may objections ako sa mga gay? Buhay nila iyan eh, doon sila masaya, bahala sila sa buhay nila dahil hindi naman natin masasabi sa isang tao kung papaano siya dapat mamuhay,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos sa amin.

Nabanggit lang naman iyon dahil sa isang basher na nagsabing gay daw ang kanyang anak na si Luis (Manzano), na sinagot na rin naman noon. “Apat na dekada ko nang kasama si Luis. Kasi kahit minsan hindi nahiwalay sa akin iyan maliban doon sa panahong may trabaho kami pareho. Kung may ganyan sigurong issue, ako ang dapat na makaalam, hindi iyong basher.

“Hindi naman maitatago sa akin iyan, sanay ako sa mga nakasama kong gays sa trabaho ko, at mahigit 50 taon akong artista, ganyan na sa simula pa.
“Pero if people think na ako iyong makikipag-away, o magtataray dahil may nagsabing gay ang anak ko, hindi ako iyon. Pagtatawanan ko lang sila. Sanay ako sa intriga sa show business eh, hanggang ngayon may mga intriga pa rin kaming hinaharap sa pulitika,” sabi pa nito tungkol sa pagbibintang pa rin na isang gay ang asawa ni Jessy Mendiola.

“Ang mga intrigang natanggap ko more than that. May mas masahol pa ba kaysa doon sa sabihing may betamax ka? That was the worst at ang cheap talaga. Pero may ibang naniwala. Pero hindi ko pinansin, noong makaharap ko nga ang gumawa noon, tinanong ko pa siya, kailan mo naman sasabihin na nakita mo akong may kasama sa CR, o namamasyal sa harap ng Congress? Kasi ganoon ang mga tsismis niya noon eh.

“Pero ‘yan ang isang bagay na natutuhan ko, iyan ang madalas na sinasabi sa akin ni mama noon. Huwag mong papansinin ang mga intriga, dahil more than anyone else, ikaw ang nakakaalam ng totoo tungkol sa sarili mo. At noong araw, very successful professional si mama kaya papaano mong sasabihing mali siya? At saka si Luis, at least mabibigyan na niya ako ng apo, wala na akong pakialam sa tsismis,” ang nagtatawang sabi na lang ni Ate Vi.

Nadine, lumabas na ang kamalditahan

Ngayon sasabihin namin, si Nadine Lustre ay isang nightmare para sa kahit na sinong star maker.

Sa kanya mismo namin narinig,­ sa ipinadala sa aming video, sinabi niyang hindi katungkulan ng isang artistang gaya niya na batiin at ngumiti sa mga tao. Kung iyan ay naging contract star noong araw nina Doc Perez, o ni Doña Sisang at maririnig siyang nagsalita nang ganyan, pinunit na siguro ang kontrata niya.

Kung mainit ang ulo mo o may toyo ka, huwag kang lumabas ng bahay kaysa sa makita ng mga tao na nakabusangot ka.

Hindi ka hahangaan at iyon ang dahilan kung bakit kumikita ang mga proyekto mo, iyon ang dahilan kung bakit may kumukuha sa iyong artista.

Aba eh kung gusto mong magsuplada huwag kang mag-artista, please lang.

Ngayon naintindihan na namin kung bakit hindi tumagal ang kanyang popularidad.

VILMA SANTOS RECTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with