_pang-masa
^
Irma adlawan, na-covid habang nasa taping kahit may 2nd dose na!
Irma

Irma adlawan, na-covid habang nasa taping kahit may 2nd dose na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - June 25, 2021 - 12:00am

May paalaala at pakiusap ang actress na si Irma Adlawan sa Instagram post niya after niyang matanggap ang clearance niya na negative na siya sa COVID-19, pagkatapos ma-quarantine for 15 days, nang habang nasa gitna siya ng work, nag-positive siya, to think na one month na siyang nakatapos ng 2nd dose ng Sinovac vaccine.

Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang virus, naisip daw lamang niya na noong ma-sprain ang ankle niya, natanggal niya ang suot niyang mask. Kaya nagkaroon ng mass testing sa production, may negative at may nag-positive rin, at ilan sa kanila ay hindi raw naman siya nagkaroon ng close contact. During her quarantine, doon daw niya naramdaman na nag-iisa lamang siya, at iniiwasan siya ng mga tao.

Kaya word of advice ni Irma, kung may friend daw tayong na-test positive, text him/her everyday, answer them when they call or send text messages, to somehow boosts their being part of an inner circle and not as an outcast. “So dear friends, even if you’re already vaccinated... NEVER PUT YOUR GUARD DOWN! This goddamn virus is a big mystery...! Take care.”  (Ibig sabihin ni Irma sumunod pa rin tayo sa health protocols.)

Agimat, kumpirmadong may book 2 na

Inamin na ni Senator Bong Revilla na magkakaroon ng Book 2 ang fantasy-action series niya na Agimat ng Agila which he is producing for GMA Network. Balita ring may isang Kapamilya actor na papasok sa serye bilang isang kontrabida. Ayaw pang magbigay ni Sen. Bong ng pangalan ng actor hanggang hindi pa raw siya nakasisiguro na lilipat nga siya sa GMA Network.  (Sinu-sino ba ang nababalitang actors na lilipat sa GMA Network?)

Nagsimulang mapanood ang Agimat ng Agila noong May 1 at nakakuha sila ng mataas na rating at hindi bumababa ito every week. This Saturday ay nasa 9th week na sila ng 13 episodes.

Kasama ni Bong sa serye sina Sanya Lopez, Elizabeth Oropesa, dalawa sila sa magpapatuloy sa story at malalaman natin kung sinu-sino pa sa cast ang mari-retain sa book 2.  Napapanood ang Agimat ng Agila at 7:15 p.m., pagkatapos ng Pepito Manaloto, sa GMA 7.

Matteo, planong mag-produce ng movie nila ni Sarah

Gusto ni Matteo Guidicelli na makagawa sila ng movie ng wifey niyang si Sarah Geronimo, since mayroon na silang G Productions. Pero sa ngayon daw ay dream na muna iyon, kahit isa iyon sa plano nila sa kanilang productions.

“That’s one of the goals and plans of G Productions,” sabi ni Matteo. “Hopefully in the future, we have some movies that’s down the line that we want to do. Hopefully it will materialize, but we are unsure about the near future, what with the current situation. Obviously right now, it’s very hard to shoot because of the pandemic.”

Sa ngayon daw, they are more focus on their marriage and building their own family.

Kung matatandaan, nagkasama na sa isang movie sina Matteo at Sarah, sa Catch Me, I’m in Love, pero ang katambal ni Sarah noon ay si Gerald Anderson.

IRMA ADLAWAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with