_pang-masa
^
Tom, binonggahan ang huling birthday na single pa si Carla
Carla

Tom, binonggahan ang huling birthday na single pa si Carla

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - June 22, 2021 - 12:00am

Nagpadala ng lechon at cakes si Tom Rodriguez sa lock-in taping ng bagong Kapuso series na To Have and To Hold para pagsaluhan ng production team sa lock-in taping ng series sa kaarawan ng kanyang fiancée na si Carla Abellana.

Bale huling birthday ni Carla ang naganap na single siya ayon sa kanyang Instagram post.

“Pinasaya mo kaming lahat,” ani pa ni Carla sa bahagi ng kanyang pasasalamat kay Tom.

Samantala, nasa lock-in taping naman si Tom ng series niyang The World Between Us kasama sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

BTS memorabilia, ‘di pinalampas pati ng mga bata

Nahuhumaling din talaga pati ang mga bata sa Korean group na BTS. Memorized talaga nila ang names ng members ng group, huh!

Eh nang makipag-collab ang BTS sa isang giant food chain, naku, pumipila ang mga batang ito para makakuha ng memorabilia na kasama sa pagkaing binili sa food chain, huh!

Kesehodang may dagdag sa presyo ang food, makuha lang nila ang memorabilia eh, dedma na sa food!

Naku, iba talaga ang epekto sa mga kabataan ngayon ng BTS! To think na apat na taon lang ang batang kilala naming nahuhumaling sa BTS, huh!        

CARLA ABELLANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with