_pang-masa
^
Korean stars, hindi mahilig sa dyowa!
Jo In-Sung

Korean stars, hindi mahilig sa dyowa!

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - June 20, 2021 - 12:00am

Hindi ko talaga ma gets bakit iyon mga Korean star na inaabot ng 40 na walang dyowa. Saan nila kinukuha ang inspiration at motivation para magtrabaho?

Ok, kahit siguro breadwinner ka at ayaw mong magkaroon ng ibang responsibilidad na aagaw sa commitment mo sa pagtulong sa pamilya, pero kahit paano dapat meron kang BF/GF di bah?

Don’t tell me na hindi sila ganun ka emotional para maghanap ng ka-bonding na love nila. Ok na hindi muna mag-asawa, pero iyon kahit BF/GF wala man lang, ano iyon?

Ganuon sila katigas? Hindi tinatamaan ang puso? Nabasa ko na sila Jo In-Sung at Lee Joon-Gi na nagkaroon ng GF for a year pero nang mag-break sila, wala nang naging kasunod. Hindi na uli nagkaroon ng girlfriend hanggang ngayon na 40 na sila.

Wow ha, parang nakakaloka di bah? Naku, bakit ba ginugulo ko isip ko sa lovelife nila kaya lang na-amaze lang ako na puwede pala na ganun ka ka-guwapo, kasikat, kayaman, pero wala kang dyowa sa tabi. Parang incomplete ‘di ba?

Parang isang ulam na walang sarsa o sawsawan, basta trabaho lang, wala kahit ka holding hands, ‘di ba sad ang ganun? Wala ka man lang kaeklayan sa cellphone pagkatapos ng trabaho?

Kris, nakasundo agad ang personal shopper

Tuwang-tuwa ang friend kong personal shopper / online seller na si Ronite na lagi kong hinaharbatan dahil after a long while meron na silang communication ni Kris Aquino at nagkita pa sila.

Matagal nang fan ni Kris si Ronite kaya para siyang nakaakyat sa heaven nang makaharap niya ito ng personal.

Totoo naman, ang tagal niyang hinintay na maganap ang face to face encounter niya ng kanyang idol. Kaya halos hindi makahinga si Ronite nang maganap ang pagkikita nila lalo na nga’t nag-order pa ito sa kanya.

Bongga. At knowing Kris , sure ako na lalo pang humanga si Ronite sa pag-uusap nila. Dahil in fairness, madali naman si Kris magpa-feel at home sa mga nakaka-usap niya.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with