_pang-masa
^
Heart, iniyakan ang pagiging stepmom sa kambal pagkakasal kay Chiz

Heart, iniyakan ang pagiging stepmom sa kambal pagkakasal kay Chiz

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

May mga na-share si Heart Evangelista sa kanyang vlog at isa na rito ang disappointment niya  nang mapangasawa si Sorsogon Gov. Chiz Escudero at maging stepmom sa twins na anak ng asawa.

Sabi ni Heart, “In the beginning, I must admit that it was very, very hard for me to adjust because I’m the youngest of my siblings. And again, I never really had total freedom in my life. And then finally, when I was married, I had all the freedom.

“But then, you know, I couldn’t make out with my husband anywhere in the house because we have kids. And that was really, really hard for me. I mean, making out was not the hard part, I’m just sa­ying that the set-up was such an adjustment because I really had to mature and I wasn’t thinking my age. I was so much more immature during those times. So it was really hard for me, I would cry.”

May nabanggit pa si Heart na sa simula ng pagsasama nila ni Chiz, hindi niya alam ang lugar niya sa pamilya.

“We would be walking sa mall, and siyempre twins, so ‘yung isang kamay (ni Chiz), hawak ‘yung isa, ‘yung isa, hawak nung isa. Ako, taga bitbit ng paper bag sa likod. So ang sakit, sakit. Ganito ba talaga ‘yung gusto ko?”

Katagalan, minahal niya ang twins at itinuring na kanyang mga anak. “But then, when you love other people, even if you didn’t give them the gift of life, it feels so good because you don’t necessarily want anything in return. You just want to love them. You just want to guide them. And now, I really love them as my own.”

Ngayon, masaya na si Heart na maging ina nina Quino at Chesi.

Aicelle, naka-double mask ‘pag katabi ng anak

Mas naging masaya ang Mother’s Day ni Aicelle Santos kahapon dahil nakatabi, nakarga at nahalikan na niya ang baby girl nila ng asawang si Mark Zambrano na si Baby Zandrine. Natanggap kasi kahapon ni Aicelle ang best Mother’s Day gift nang mag-negative siya sa COVID-19 test.

May post si Aicelle sa kanyang Instagram at ipinaliwa­nag kung bakit best Mother’s Day gift sa kanya ang negative result ng COVID-19 test.

“Every time i’d come home from work, i’d sleep beside her and feed her while wearing double masks the whole day for 6 days, until i test negative. And today’s that day! Masks off! Yay! Praise God! Pinupog ko ng halik ang aking anak! What a happy mother’s day gift!”

Lumalabas kasi ng bahay si Aicelle dahil sa trabaho. Nasa labas siya kapag taping ng Centerstage kung saan, isa siya sa judge ng kiddie reality singing competition at kapag taping ng All-Out Sundays. Kaya, mahirap sa kanya na pag-uwi, kailangan niyang magsuot ng double masks.

Yassi, mag-uumpisa ng bagong game show sa TV5

May teaser na ang Viva Artists Agency para sa TV show ni Yassi Pressman na mapapanood sa TV5 at Rolling In It Philippines ang title. Agad mahuhulaan na si Yassi ang tinutukoy na host nito dahil sa nakasulat na “YASSSS! SHE IS READY!”

Nakalagay sa teaser na sa May 11, ang pilot ng show ni Yassi sa TV5, pero ang balita, sa June 5, na magsisimula ang airing nito. Game show ang Rolling In It Philippines at aabot ng P2M ang cash na mapapanalunan.

Isa pang pang-come on ng game show ay celebrities ang makakasamang maglaro ng mga contestant. Sanay mag-host ni Yassi, kaya keri niyang maging host ng game show.

HEART EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with