^

Pang Movies

Brief pictorial ni Derrick, pinagpapantasyahan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Brief pictorial ni Derrick, pinagpapantasyahan!
Derrick

Tinupad ni Derrick Monasterio ang pantasya ng maraming beki nang lumabas na ang sexy pictorial niya para sa Bench Body underwear.

Noon pa hiling ng mga beki na gawing endorser ng Bench Body underwear si Derrick dahil sayang daw ‘yung ganda ng katawan nito kung ang ine-endorse niya ay t-shirt, jacket at jeans.

Naunahan pa raw si Derrick nina Paul Salas at Gil Cuerva na mag-underwear sa pictorial eh mas maganda raw ang katawan niya.

Naghintay lang daw ng magandang timing si Derrick at ginulat niya ang mga beki sa lumabas na pictorial shoot niya kung saan suot niya ay puti at dark gray na underwear.

Kaya pala noong magkaroon ng lockdown last year ay nag-focus si Derrick sa pagpapalaki ng katawan. Nagpagawa pa ito ng sariling gym sa bahay para tuluy-tuloy ang workout niya kahit sarado ang mga gym.

Post ni Derrick sa Instagram: “Best part of being a @benchbodyph model is having UNLI­MITED UNDERWEAR!  Seriously though been wearing them since I was in highschool and It’s an honor to represent this brand.”

Former beauty queen-actress Michelle Aldana, balik-showbiz

Nakakatuwang malaman na excited na magbalik showbiz ang former beauty queen-actress noong ‘90s na si Michelle Aldana.

Magbabalik sa pag-arte si Michelle bilang mother ni Gabbi Garcia sa GTV series na Love You Stranger. Nakilala si Michelle noong manalo ito bilang Miss Asia Pacific in 1993. Kasama sa premyo niya ang exclusive contract with Viva Films at lumabas siya sa mga pelikulang Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko, Segurista, Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa, Hindi Pa Tapos Ang Laban, Hawak Ko Buhay Mo, Ang Tipo Kong Lalake at iba pa.

Taong 1998 nang iwan ni Michelle ang showbiz para tumira sa Germany kung saan pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Doon niya nakilala ang first husband niyang si Christoph Heinermann noong 2001. Noong 2014 ay kinasal si Michelle sa second husband na si Edward Burke at sa South Africa nakatira.

After 23 years, iba raw ‘yung nakakapagsalita siya ulit in Tagalog.

Sa kanyang Instagram, pinost ni Michelle ang pagdating niya sa airport. Heto ang caption niya: “Can’t wait for you guys to see this new TV series!”

Kim, aminadong complicated si Kanye

Joint custody ang napagkasunduan ng estranged couple na sina Kim Kardashian and Kanye West sa apat nilang anak na sina North, Chicago, Saint and Psalm.

Sa kanilang divorce files, nakasaad pareho ang “irreconcilable differences” na cause ng hiwalayan nila. Nag-agree rin sila na hindi nila kailangan ng spousal support.

According to Kardashian’s filing, they kept their property separate throughout their marriage because of the terms of a pre-nuptial agreement.

Isa ring dahilan kung bakit hiniwalayan ni Kim si Kanye ay dahil sa erratic behavior nito dala ng bipolar disorder. “Kanye is a brilliant but complicated person” sey ni Kim sa isang interview.

 

vuukle comment

DERRICK MONASTERIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with