^

50 K-stars, nag-donate para sa COVID

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 8, 2021 - 12:00am

Nabalita sa South Korea ang pagdo-donate ng 50 Korean celebrities to fight coronavirus at nanguna sa mga nag-donate si Lee Min-ho with 350 million won. Sumunod kay Lee Min-ho si IU with 315 million won. Kasama sa Top 5 ng may pinakamalaking donation si So Ji-sub na nasa number three with 300 million won, number four si Kim Hee-sun with 200 million won at tie sila ni Hyun Bin with 200 million won din.

Si Kim Woo-bin nag-donate ng 199 million won, sina Suzy, Gong Yoo, Son Ye-jin, Park Seo-joon, Ji Chang-wook, at Song Joong-ki with 100 million won donation. Marami silang nag-donate at pati writer ng Crash Landing On You na si Park Ji Eun at director ng Parasite na si Bong Joon-ho, nagbigay din.

Luis, ginawan ng meme ang sarili

‘Kaloka si Luis Manzano dahil kahit sa kanyang kasal, hindi pa rin napigilang magpatawa, ang sarili niya ang ginawan ng meme. Naka-post sa Instagram nito ang upper body photo niya na umiiyak sa kasal nila ni Jessy Mendiola. Pero ang photo ng kanyang paa, lalaking walang suot na sapatos at ‘yung little toe ay hiwalay pa sa ibang toes.

Mukha ring hindi naggugupit ng kuko ang may-ari ng picture na pinost ni Luis na ang suot na pantalon at kakulay ng suot niyang pink pants. Ayun, nakakatawang basahin ang comments sa post na ‘yun.

Si Jessy naman, pinost ang engagement ring, wedding ring at wedding band ni Luis. Pati ang kanyang earrings, gawa rin ng Manila Diamond Studio.

Ikakasal uli sa December sina Luis at Jessy, tanong ng netizens, may iba kaya silang gagamiting wedding band at wedding ring sa kanilang kasal?

Kelley Day nahawa sa Egypt!

Binuweltahan ng Pinoy supporters ni Miss Eco International 2020 first runner-up Kelley Day kay Miss Peru national director Jessica Newton sa binuking na itinuloy pa rin ang pageant kahit may ilang kandidata ng positive sa COVID.

Pinangalanan ni Newton si Kelley at para patunayang tama siya, pinost pa ang test result ni Kelly kahit confidential.

Pero, hindi tiyak kung kumpirmado ang result na pinost niya at kung paano niya nakuha?

Dito na nagalit ang mga Pinoy at inakusahang harassment ang ginawa ni Newton at ang ikinagalit pa ng mga mga Pinoy, pati ang passport number ni Kelly, pinost din.  Hindi yata nakayanan ni Newton ang buwelta ng mga Pinoy at dinelete ang kanyang post, kaya lang, the damage has been done.

Ang wish ng lahat, gumaling si Kelley kung totoong may COVID siya at maayos na makabalik ng Pilipinas.

LEE MIN-HO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with