^
Kathryn at Daniel, hindi pa alam ang susunod na gagawin
Kathryn at Daniel

Kathryn at Daniel, hindi pa alam ang susunod na gagawin

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 24, 2021 - 12:00am

Sweethearts Kathryn Bernardo and Daniel Padilla both love to cook.

And they both love to eat kung anuman ang kani-kanilang niluluto.

Halimbawa raw si Kathryn, love niyang kainin ang nilulutong steak ni Daniel.

Si Daniel naman daw, ninanam­nam niyang kainin ang mashed potatoes na gawa ni Kathryn lalo na ang grilled cheese sandwich nito.

“The more grilled cheese, the better,” dugtong pa ni Daniel.

Wala pa raw both ideya sina Kathryn at Daniel what their next assignment will be, after the much-admired The House Arrest Of Us, currently ini-stream sa Netflix.

Neither kung magkasama ba silang muli o may iba silang partners. “Basta we both enjoy kung anumang assignment ang ibigay sa amin. Ang importante, we continue to be busy,” tukoy pa ni Kathryn.

Gretchen, hindi makalimutan ang kapamilya

Nami-miss ba ng athlete cum actress Gretchen Ho ang pagiging Kapamilya?

We all know, of course, that Gretchen is now with TV5 and co-anchoring the newscast, The Big Story, with Roby Alampay.

Over at the Kapamilya, she was busy as a bee, kumbaga, as may daily morning show siya with Amy Perez, bukod sa napapanood din siya sa ibang programa ng ABS-CBN.

Hindi raw makakalimutan ni Gretchen that ABS-CBN was her first “home” after niyang magtapos ng college.

Well, good luck, Gretchen.

Carmina at Zoren, kulang ‘pag hindi magkasama

Nag-break daw pala muna sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi bago nila na-realize na they cannot actually live minus each other.

Now, 20 years bilang mag-asawa, feeling daw nila meant talaga sila sa isa’t isa.

Blessing daw ang pagkakaroon nila ng kambal na anak, sina Cassy at Mavy, both 19 years old noong January 19.

And feeling nila, meant to be a foursome silang apat, lalo’t when they are together in their talk prog­ram, Sarap ‘Di Ba?

Although, individually, they are all busy, as Carmina is with John Estrada in Babawiin Ko Ang Lahat, si Zoren naman, with Nora Aunor in Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Ang kambal naman ay mag-uumpisa na rin ang individual new assignment.

Mark, busy na uli

Back to government work si Mark Lapid, na na­ging former Pampanga governor din.

Yes, Mark has been assigned again sa Tourism department, this time, as chief operating officer (COO) of TIEZA (Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority).

In 2008, during the administration ni President Gloria Macapagal Arroyo, she assigned him as gene­ral manager ng Philippine Tourism Authority (PTA).

The son of top action star, now Senator Lito Lapid, Mark is often asked kung hindi niya pinlanong sundan ang yapak ng ama bilang artista.

Ang sagot niya: “Oo naman.”

And guess what one of his favorite films is?

Tatlong Baraha, filmed in 2006.

Mark is married to former actress Tanya Garcia, considered as one of the beautiful faces in her time.

They have three daughters.

KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with