^

Pang Movies

Buwelta uli kay Sec. Roque:‘Ako, di ako clown. I’m a comedian’

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Buwelta uli kay Sec. Roque:�Ako, di ako clown. I�m a comedian�
Sec. Roque

Tuloy ang ‘showtime’ nina Sec. Harry Roque and Vice Ganda.

Kahapon ay sumagot na ang komedyante sa huling patutsada ni Presidential Spokesperson.

 “Ako, ‘di ako clown. I’m a comedian. At may kilala akong clown. I’m a comedian, you are the clown,” na ang obvious na pinatutungkulan nga ay ang buwelta sa kanya ni Sec. Roque.

Marami kasing nag-react nang sagutin ni Presidential Spokesperson Harry ng choosy statement ni Vice tungkol sa bakuna last week.

 “Alam n’yo po, mali naman na ikukumpara ‘yung bakuna sa sabon na panlaba. Eh kung hindi naman natin pagtitiwalaan ang mga expert na tatlong batches ng experts pa ang magsasabing puwede natin gamitin ‘yan at magiging basehan para mag-issue ng EUA. Eh sino ang ating paniniwalaan? Siguro po hindi naman komedyante.”

Nag-viral nga kasi ang tweet ni Vice na “Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”

Hahaha. Grabe. Sa kabila nang lahat ng mga pangyayari may ganitong kaganapan pa.

Habang sinusulat namin ito ay wala pa uling sagot si Sec. Roque.

Centerstage, babalik na

Magbabalik na sa ere ang reality kiddie singing competition ng GMA Network na Centerstage ngayong Pebrero!

Hosts pa rin sina Alden Richards at Kapuso comedian Betong Sumaya, at judges na sina Concert Queen Pops Fernandez, Soul Diva Aicelle Santos at musical director Maestro Mel Villena sa kapana-panabik na pasiklaban ng aspiring young singers.

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with