^

Ara, ayaw nang patulan ang mga nagne-nega sa kanyang engagement

Gorgy Rula (Pang-masa) - January 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Masayang-masaya ang bagong engaged na sina Ara Mina at Dave Almarinez kaya hindi na nila hinahayaang ma-nega pa ito.

Narinig kong sinabi ng PITC Undersecretary Dave Almarinez sa video proposal na first time daw niyang ginawa ang mag-propose.

So, hindi pala totoong ­dating engaged na si Dave.

Pero ayaw na ni Ara na ungkatin pa ang isyung pinagpiyestahan noon. Tahimik lang daw siya noong pinag-usapan ang isyu nila ni Dave,  dahil ayaw na raw niyang lumaki pa ito.

Respeto na lang daw kay Dave at sa pamilya nito.

“Siguro ‘yung pananahimik ko, I guess it’s respect for Dave. At saka… alam mo ‘yun as you grow older at sa tagal ko sa showbiz, parang buong buhay ko open book na eh. Parang mas pinili ko maging private at... kumbaga, gusto ko ng tahimik na buhay. Ayoko nang… alam mo naman ako, hindi naman ako palaaway.

“Kung whatever na kahit na anong pinagsasabi sa akin ng ibang tao, ano na eh, du’n na ako sa point na I don’t care anymore. As long na alam ko tama ‘yung ginagawa ko. As long na nirerespeto ko ang mga taong nasa paligid ko. Kasi ‘pag may anak ka na kasi, kailangan lahat ng actions mo pag-isipan mo. Hindi ‘yung bira ka na lang ng bira sa media, dahil iisipin mo ‘yung anak mo. ‘Yung ganun. ‘Yun lang. Let’s all move on…all I can say,” seryosong pahayag ni Ara.

Ilang araw na lang ay matatapos na si Ara sa lock-in taping sa FPJ’S Ang Probinsyano. Pagbalik daw niya ay makikipag-meeting na raw siya sa wedding coordinator para mapaghandaan ang kasal nila.

Sabi raw ni Dave sa kanilang wedding coordinator, ibibigay daw sa kanya ang dream wedding nito.

Simple lang naman daw ang gusto ni Ara na kasama ang pamilya at close friends.

Pero gusto raw niya garden wedding pero may chapel dahil susundin daw niya ang gusto rin ni Dave na sa makasal sa Roman Catholic church.

Baguhang aktor, wish makatrabaho si Kathryn

Kung may tender kissing scene sina Keann Johnson at Adrian Lindayag sa The Boy Foretold by the Stars, mas matinding halikan din napasabak ang baguhang aktor sa kasunod niyang pelikulang mapapanood sa KTX.Ph.

Ito ‘yung Run na sinulat at dinirek ni Mel Magno na isa rin palang composer. Nakapaloob sa pelikulang ito ang mga awiting likha niya na ginamit sa ilang magagandang eksena.

Pero ang isa nga sa kaabang-abang sa pelikulang ito ay ang mga love scenes na ginawa ni Keann kasama ang indie actor na si JR Versales.

Ibang-iba ang karakter niya rito sa Run na malayo  sa The Boy Foretold by the Stars.

Magkasunod na BL movie itong ginawa ni Keann, pero may magandang plano na nga raw sa kanya ang management niya at hopefully makakagawa na raw siya ng isang teleserye. Tinanong namin siya kung sino ang gusto niyang makasama sa first drama series na gagawin niya. “Sana po si Kathryn Bernardo,” kinikilig pa niyang sagot sa amin.

Sa January 22 na mapapanood sa KTX.Ph ang Run sa halagang P199 lang ang ticket.

ARA MINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with