^
Kris, napagod sa pamimigay ng pamasko
Kris

Kris, napagod sa pamimigay ng pamasko

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 15, 2021 - 12:00am

Ipinadala ni Kris Aquino ‘yung Happy New Year gift niya. So nice na unang balyada ng 2021 heto at may padalang limited gift card si Kris, so thoughtful and sweet of her.

Mukhang tahimik siya ngayon dahil hindi siya natuloy sa dinner nila ng Ramsay family sa invitation ni Derek kaya ang anak na si Bimby lang ang nag-attend sa dinner. Mukhang talagang masama ang pakiramdam lately ni Kris dahil nga siguro napagod na naman sa nakaraang holidays kaya medyo hinay-hinay na naman.

Kung iisipin mo talaga, si Kris kasi tuwing Christmas, hindi lang sa trabaho pagod, sobra niyang sineseryoso ang kanyang yearly duties sa mga kaibigan, staff and families na pagbibigay regalo at ‘yung mga small dinner at lunches niya for people she wants to be with sa mga ganitong panahon.

Imagine next month ay golden girl na siya, na buti na lang andiyan sina Joshua at Bimby na nagpapasaya sa kanya kahit medyo masama ang pakiramdam niya.

Sana naman, sa birthday niya maganda na ang resulta ng medical reports niya, for a very active person like Kris Aquino, dusa talaga ‘yung hindi siya gaanong makakilos dahil nga sa masamang nadarama sa katawan.

Dingdong, kabi-kabila ang endorsement

Kumain kami nina Gorgy at Jerry sa Mesa restaurant at standee ni Dingdong Dantes ang nakita namin doon. Naalala ko tuloy na siya nga pala ang bagong endorser ng Beautederm ni Rhea Tan at talagang all over din ang dami ng commercials na napapanood siya, solo, kasama si Marian Rivera, at minsan kasama pa si Zia, ang anak nila. Siguro nga dahil mabait at very credible na endorser kaya naman halos lahat ng products, hayan at si Dingdong ang gustong kunin.

‘Yung endorsement niya sa pagkain, kilalang foodie si Dingdong. Mahilig kumain at appreciative sa masasarap na kinakain niya. Kaya nga hindi ako nagulat nang makita ang photo niya sa Mesa resto.

Tiyak ako at sure na type niya ang pagkain ng resto ni Mommy Flor Santos na nanay ni LA, ang mahusay na singer. Pagtapos kumain, hayan gamitin ang Beau­tederm ni Rhea Tan, para ma-maintain ang good looks.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with