^

Pang Movies

Palaos na ang peg.. dating sikat na young actress, dini-dedma na ang mga post

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Parang palaos na ang peg ng isang dating sikat na young actress.

Wala nang pumapansin sa mga pa-controversial post niya.

Unlike before na parang bawat sabihin niya sa Instagram account niya, ginagawang malaking issue. Ngayon, waley na. Dedma na sa kanya.

Actually, matagal nang nabawasan ng ning­ning ang career ng young actress. Eh nagka-pandemic pa.

Bea papitik-pitik din sa pag-amin sa relasyon kay Dominique

Kung may mga naghihintay na umamin outright  sina Gerald Anderson and Julia Barretto, ganundin ang ini-expect kina Bea Alonzo and Dominique Roque na kahit marami ring friends na raw nila ang may alam sa kanilang relasyon, ganundin, pakonti-konti ang pagbibigay ng confirmation.

Maraming friends nga diumano ni Dominique ang alam na sila na nga ni Bea, pero everytime diumano na ii-introduce na si Bea as girlfriend, nag-iiba raw ang reaction ng face ng actress.

Last week ay may hint na naman silang magkasama sa isang steak date though seperate ang post sila na hindi magkasama pero same place raw ‘yun.

Kay Bea nag-umpisa ang issue ng ghosting matapos nga ang nangyari sa kanila ni Gerald noon kaya nabuko sina Gerald at Julia matapos silang mag-shooting ng pelikula sa Japan na pilit na itinatanggi noon ni Julia.

Bagong single ni Garrett Bolden, #1 agad sa iTunes PH!

Unang araw pa lang daw ng release ng bagong single under GMA Music na Our Love, nasungkit na agad ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden ang top spot sa iTunes Philippines.

Sariling komposisyon ito ng The Clash alumnus at nais pa raw niyang magbahagi ng sarili niyang musika para sa Kapuso listeners.

Kuwento ni Garrett sa nakaraan niyang interview, “This is like my debut of bringing out songs that are really created by myself so I really want to do this big time. If now po, I have proven na kaya ko rin palang gumawa ng mga kanta ko, gusto ko pa pong i-enhance ‘yung skill na ‘yun and eventually po makabuo ako ng album.”

Available na for streaming ang Our Love sa iTunes, Spotify, Youtube Music at iba pang digital stores.

 

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with