^

Pang Movies

Maja, inaabangan kung matutulad na kay Jessy

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Maja, inaabangan kung matutulad na kay Jessy
Maja

Pina-customize ng singer-actress-host na si Maja Salvador ang kanyang bagong biling van dahil dito siya nagpapahinga kapag may taping or shooting siya.

Pinalagyan niya ito ng seat massager, TV set, cabinets (kung saan nakalagay ang kanyang mga gamit).  May built-in blinds din ang van kung gusto niyang sa loob siya magpalit ng damit o ‘di kaya gusto niyang matulog o magpahinga habang ang ceiling ng sasakyan ay may star lights na nag-iiba-iba ang kulay.

Si Maja ay isa sa mga homegrown talents ng ABS-CBN na napapanood ngayon sa Sunday musical variety show ng TV5, ang Sunday Noontime Live, isa sa anim na bagong programa sa telebisyon na produced ng Brightlight Productions ni G. Albee Benitez. Kasama sa nasabing programa sina Piolo Pascual, si Donny Pangilinan, ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray at si Jake Ejercito, isa sa mga anak ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada sa dating actress-entrepreneur na si Laarni Enriquez.

Matapos ang engagement ni Luis Manzano sa kasintahan nitong aktres na si Jessy Mendiola, hinihintay naman ng marami ang pagpu-propose ng businessman na si Rambo Nuñez sa nakabalikang girlfriend na si Maja.

Reunion ng pamilya ni Bossing, hindi tuloy

Three months old na ang pampitong apo ng veteran actor-comedian at TV host-producer na si Bossing (Vic Sotto) sa kanyang ikaapat na anak, ang golfer at visual artist na si Paulina Sotto-Llanes sa mister nitong si Jed Llanes. Si Paulina ay anak ni Bossing sa dating actress-host na si Angela Luz. Baby Sachi Brielle turned three months old last December 7.

Nang magtapos si Paulina ng kanyang pag-aaral sa Ateneo de Manila University with honors (cum laude) in 2015, niregaluhan siya ng kanyang ama ng isang brand new Audi car.

Kahit magkakaiba ang ina ng kanyang limang anak (except for Danica and Oyo na si Dina Bonnevie), close sa isa’t isa ang magkakapatid na Danica, Oyo, Vico (mayor of Pasig), Paulina at bunsong si Tali (Maria Talitha). 

Si Vico ay anak ni Bossing sa veteran actress na si Coney Reyes habang ang three-year-old na si Tali ay anak niya sa kanyang present wife, ang singer-actress-host na si Pauleen Luna.

Dahil sa pandemya, hindi natuloy ang reunion trip outside Metro Manila nina Vic at Pauleen kasama ang iba pang mga anak ni Bossing with their respective families sa taong ito. Ito’y bukod pa sa Christmas and New Year reunion ng buong mag-anak.

Isabelle at Adrien, baby girl ang gusto

Twenty one weeks ngayon ang ipinagbubuntis ng actress-entrepreneur na si Isabelle Daza sa kanyang French businessman-husband na si Adrien Semblat. Ang panganay na anak ng mag-asawa na si Balthazar Gabriel ay two years old na.

Kung ang mag-asawa lamang ang masusunod ay gusto nilang maging girl ang kanilang second baby dahil meron na silang boy, si Balthazar.

Sina Isabelle at Adrien ay ikinasal sa Tuscany, Italy noong September 10, 2016 na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends. Si Isabelle ay panganay na anak ng kauna-unahang Filipina Miss Universe (1969) na si Gloria Diaz sa namayapa nitong mister na si Gabriel `Bong’ Daza.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with