Budget ng isang production company sa party, ipamimigay na lang

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

Magbubunyi tiyak ang mga empleyado ng isang production company ngayong Pasko. Bukod kasi sa matatanggap na 13th month pay, may sorpresa pa sa kanila ang management ng company.

Eh dahil bawal ang Christmas parties dahil sa COVID-19, ‘yung ginagastos taun-taon sa party eh ibibigay na lang sa empleyado bilang Christmas bonus, huh!

Wala mang masyadong trabaho ang kumpanya at hirap sa collection sa endorsements ng mga artistang mina-manage, magtutulung-tulong ang artistang mina-manage upang mag-contribute sa added bonus ng mga empleyado, huh!

Derek, inaabangan kung sino ang ipapalit kay Andrea

Sa kanyang mga magulang humuhugot ng lakas si Derek Ramsay lalo na sa katatapos lang na breakup kay Andrea Torres.

Wala pa ring linaw mula sa ex-couple ang rason ng kanilang hiwalayan. Para kay Derek, ang parents na sina Derek Ramsay, Sr. at Remedios “Medy” Paggao ang matibay niyang support system. “Thank you, Lord, for my parents who are always there for me and love me unconditionaly. Mum and Dad thank you for everything you’ve done for me and the family.

“Thank you for keeping me strong, thank you for believing in me and thank you for protecting me #stickandstonescanbreakmybonesbutwordswillneverhurtme,” saad ni Derek sa caption sa post sa Instagram.

Sa totoo lang, umani ng bashing at hate messages si Derek sa hiwalayan kay Andrea, huh!

Sino kaya ang masuwerteng babae na ititira ni Derek sa bagong bahay sa Alabang na pangmayaman, huh?

DEREK RAMSAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with