John Lloyd, alam na ang mga gagawin sa buhay
John Lloyd

John Lloyd, alam na ang mga gagawin sa buhay

STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 24, 2020 - 12:00am

Mabuti naman at ngayon ay nagagawa na ni John Lloyd Cruz na humarap sa kamera para sa interview. Eye opener ‘yung chitchat nila ni Boy Abunda, lalo na doon sa part na ang pinaka-happiness niya sa ngayon ay ang anak na si Elias kay Ellen Adarna. Cute ‘yung sinabi niya na saviour niya si Elias, very deep ang meaning nito.

Siguro nga all the questions sa mind ni Lloydie nang tumalikod siya sandali sa showbiz ay nasagot sa pagdating ng anak niya sa buhay niya. Baka ito ang nagbigay ng direction sa path na gusto niyang tahakin.

Sayang nga at nagkahiwalay naman sila ng nanay ni Elias na si Ellen. Pero at least now, meron na siyang path na gustong harapin, tapos na siguro ang paghahanap niya ng sinasabi niyang kawalan sa buhay niya, ‘yung gusto niyang ubusin para malagyan ng bago.

Now, with Elias around, meron na siyang guide sa pagtahak sa gagawing landas sa buhay niya.

Welcome back to showbiz, John Lloyd Cruz. 

Maraming matatanda ayaw nang tulungan

I feel so sad ‘pag merong matatanda na humihingi ng tulong dahil hindi na raw binibigyan ng mga kaanak nila. You feel bad dahil para nga namang unfair na malimutan mong tulungan lalo na ‘pag magulang mo, lalo na kung meron ka namang puwede itulong.

You can call it insensitive, harsh o cruel pero hindi ba dapat ding itanong kung talaga bang obligasyon mo ang magbigay? O meron ka bang dahilan kaya ayaw mong magbigay?

Dalangin ko sa God na sana hindi mangyari ‘yung panahong wala ka nang magawa kundi umasa sa tulong ng iba, at ayaw kang bigyan ng tulong. Siguro ang idarasal ko na lang ay kunin na ako ni God. Mahirap siguro sa lahat na you continue living, pero wala ka namang pakinabang sa mga tao sa paligid mo. ‘Yun bang you just wake up everyday na wala ka namang ginagawa at aasa na lang sa iaabot sa iyo.

Why be alive, without a purpose, para kanino ka ba gumigising, para sa pamilya mo, sa kaibigan mo o para lang sa sarili mo? If you are so useless na wala nang puwedeng gawin, at pati ang gamot at pagkain mo ay iaasa mo sa mga tao na ayaw ka nang bigyan, what is the point of living?

Kung nakikita mo na mahal ka pa rin nila, gusto ka pa ring alagaan, gusto pa rin ang presence mo, sige mabuhay ka pa. Pero ‘yung papasanin ka na, at mabigat na sa kanila ang pag-aalaga sa iyo, malaki pa siguro na biyaya sa kanila na mawala ka na lang.

Ang tao para ring gamit, ‘pag hindi na puwedeng gamitin, dapat nang itago, itabi o itapon.

Hindi naman siguro kasalanan iyon dahil mas gusto ko pa na mamatay na lang kung wala naman akong silbi at kung pabigat na ako. Patawarin n’yo ako pero iyon ang paniniwala ko, dahil ang sakit tingnan ng matatandang nananawagan ng tulong, dahil ayaw tulungan ng mga anak o pamilya nila. Para bang pati ang pagmamahal ay dapat nang ipilit o ihingi ng tulong. Ang paggalang at pagmamahal ay galing sa puso, bukal sa loob at hindi parang limos na hinihingi. God forgive us, dahil hindi iyon ibinigay sa kanila.

JOHN LLOYD CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with