Mga tapat na kaibigan, hindi maramot
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 23, 2020 - 12:00am

Meron siguro talagang tao Salve na so easy to appreciate and extend their hands in friendship. Imagine mo na ang daming extended friends na ibinigay sa atin ni Tet de Joya. Siya ang dahilan bakit naging close sa atin si Marivic Larrazabal, si Faye at ngayon ‘yung friend niyang si Hazel na nakakaloka talaga. Kaya sobra ang excitement ni Gorgy Rula at gusto nang hilahin ang oras para sa special meeting dahil nga tulad ni Marivic, reyna ng charity si Hazel, at sobra rin ang open arms ni Faye.

Bongga ang rich Asian friends ni Tet ha, para bang may-ari ng bangko na tuluy-tuloy ang dating ng pondo ha. Kaya nga, parang happy ang Christmas ni Gorgy, at mukhang hindi lang grocery money ang gift sa kanya, isang supermarket, hah hah joke joke.

Pero sa totoo lang, Tet, sobra kaming grateful sa pag-aalaga mo sa amin. Grabe, hindi pa kilala nanalo ka na agad, sobra talaga. Over talaga ang happiness na ibinigay mo. 

2021, taon daw ng pagbangon

May nakausap akong isang Indian Feng Shui master. At talagang ayaw kong paniwalaan ang kanyang mga sinabi about the things na nakita niya in the future.

Kasi raw kaya mahirap ang 2020, dalawa ang nakaluhod na numero pero medyo maganda ang 2021 dahil nakatayo ang number 1. Meaning we can stand up and strong, but 2022 will be the most trying and destructive of all dahil tatlo na raw ang nakaluhod na numero.

Basta raw ang 20th ang talagang hirap sa lahat dahil nga merong kneeling number. Puwedeng trying times, but all these years naman may trials sa buhay natin.

Puwede rin namang nagkataon lang dahil talaga namang ang mundo hindi mo tiyak kung ano ang mangyayari. Ok din na merong mga tao na may 3rd eye na puwedeng mag-predict, pero ‘yung faith natin na mahal tayo ni God at hindi bibigyan ng hindi natin kakayanin, huwag dapat mawala. May mga bagay na nangyayari for a reason, at puwede na kaya nagaganap ito ngayon sa atin dahil nga sa sarili rin nating kagagawan.

Ok, kung mas magiging mahirap, kakayanin pa rin natin, walang hindi puwede, basta meron kang faith. Manalig tayo, maniwala at ibibigay sa atin ang mga kasagutan sa ating mga tanong. God is always good, all the time. 

FENG SHUI MASTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with