SNL, palaban!
SNL, palaban!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 20, 2020 - 12:00am

Napagod ako sa kalilipat ng channel last Sunday ha. Talagang binantayan ko iyon tatlong Sunday noontime show.

Happy ako na puno ng commercials ang bagong show ng TV5 na produced ng Brightlight Productions ni Papa Albee Benitez na isang good sign na maganda ang sales ng marketing nila.

Grabe rin ang siksikan ng commercial sa ASAP at pagdating sa stars at singers , parang inilagay na lahat sa ASAP ha.

Ang talaga lang napatunayan ko iyon captive audience na loyal talaga sa kanila, sa mismong network na para bang alam lang na channel ay iyong nakasanayan nila. Tulad ng mga kasama ko sa bahay na hindi talaga lumipat at tutok sa All-Out Sunday, at sa paborito nilang si Alden Richards.

Talagang iyon TV watching is a habit hard to break, kaya nga iyon loyalista ng 2 at 7 iyon pa rin at ang kukunin ng 5 ay iyon mga walk in televiewers o hindi naging loyal sa dalawang istasyon.

Sana nga maging 3rd strong force ang TV5 at mawala ang hilig ng mga bagong viewers ngayon sa Netflix at iba pang platforms ng entertaintment. 

Dingdong at Marian, parang nauna sa pila ng biyaya

Ang ganda talagang tingnan ang family portrait ng mga Dantes. Complete talaga, imagine mo na isang babae at lalaki ang anak nila Dingdong at Marian.

Sila Zia at Ziggy parang mga living doll na lahat nang makakita ay natutuwa dahil sa bukod sa magaganda ay matalino pa.

Sa edad ni Ziggy, grabe marunong na ng alphabet, at si Zia naman parang matured ang isip sa kanyang murang edad.

May nagsabi nga na iyon pagiging hands-on ni Marian hindi put on kundi kitang-kita mo na enjoy siya sa pag-aalaga sa mga anak. Kaya hindi kataka-taka na mas tumitibay ang pagsasama nila ni Dingdong.

Meron talagang mga tao na parang buhos kung bigyan ng biyaya ng langit, parang mas una sa pila pag bigayan na ng blessing, at kabilang dito ang pamilya Dantes, no doubt. At deserving.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with