Alden, babalik na sa EB
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - October 12, 2020 - 12:00am

Pagkatapos ng sunud-sunod na commitments ni Pambansang Bae Alden Richards, balik-Eat Bulaga siya. Kaya natuwa ang fans niyang nanonood sa kanya sa paglalaro niya ng Mobile Legend last Saturdy evening na nag-shout out siya ng ‘Babalik na po ako sa ‘Eat Bulaga,’ guys  sa Monday, I will be back! I will be back!” 

Miss na miss na ng followers ng EB si Alden, na isa sa mga hosts ng noontime show, kasama sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon (work from home), Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Maine Mendoza. 

KC, gusto ring tumira sa Ormoc

Nawiwili na si KC Concepcion na manirahan sa probinsya, at bihira na lamang siyang bumalik sa Manila, kapag may important occasions na lamang tulad ng wedding last week ng kanyang best friend.  Sa The Farm at San Benito sa Batangas matagal-tagal nang nakatira si KC nang magkaroon ng second lockdown, dahil nagugustuhan niya ang lugar.  Last weekend ay nasa Ormoc City naman siya, dahil doon niya ginawa ang kanyang YouTube cooking show na #KitchenCollabsLIVE na Goma at Home with her one and only Tito Goma (Mayor Richard Gomez). Ipinakita nila kung paano gawin ang Ceasar Salad at pulutan na Shrimp Gambas. Close si KC kay Mayor Richard, dahil kung hindi kami nagkakamali, noong lumalaki siya with her mom, Sharon Cuneta, si Tito Goma niya ang boyfriend ng ina. At ngayong nakita niya ang beauty ng Ormoc, gusto niyang mag-stay doon at gumawa ng travel episode. Sabi pa ni Mayor Richard na nagpasalamat si KC, “Ormoc is the city of the beautiful people, bagay ka roon!”

Mga concert ng Viva mapapanood din sa TV5

Very busy na pala ang Viva Entertainment ngayong last quarter of 2020 at sa coming year 2021. Kahit patapos na nga ang last quarter, apat na shows ang ipinasok nila sa TV5 kasama ang mga Viva ­artists at ilang Kapamilya stars, at may nagsimula nang umere. Ang Bella Bandida ni Ryza Cenon ay magsisimula nang mapanood sa November dahil nagsimula na siyang mag-taping nito bago pa siya naging preggy sa baby boy niya.

At sa pagpasok naman ng 2021, walong projects ang gagawin nila for TV5, isa rito ay ang muling pagpapalabas ng concerts na ginawa ng Viva Concerts, like ng concerts nina Regine Velasquez-Alcasid, Anne Curtis and, of course, ni Sarah Geronimo.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with