Chito Miranda, nabilhan ng lupa ng misis dahil sa online business
Chito at Neri

Chito Miranda, nabilhan ng lupa ng misis dahil sa online business

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - August 17, 2020 - 12:00am

Pinuri ni Sharon Cuneta si Chito Miranda ng Parokya ni Edgar sa post nito tungkol sa pagtitipid and tips on financial matters.

Nakaka-inspire naman talaga ang mga payo ng singer especially sa panahon ngayon ng pandemya.

“Save what you earn and spend what is left, instead of saving what is left after spending what you earn.

“Yun ang pinaka-importanteng natutunan ko when it comes to ­handling money,” simula ni Chito.

He continued, “the 2nd was not to put all my eggs in one basket.

“Dati, whenever I was asked to invest sa isang negosyo, I’d say no because wala akong time para tutukan yung business, because I felt that I needed to focus all my energy sa Parokya since it was my primary source of income, and ang plano ko lang was tumugtog at mag-ipon.

“Then someone told me to diversify my investments and sources of income...para kung may mawalang isa, may iba akong mapagkukunan ng pera.

“Nung nag-lockdown, biglang tumigil lahat ng gigs.

“Kung umasa lang ako sa pagbabanda, wala sana akong ibang mapagkukunan to provide for my family aside sa ipon na sobrang bilis ma-ubos kung hindi nare-replenish.”

Bukod dito, nag-invest din daw siya sa kanyang asawang si Neri Naig.

“Another thing I did was to “invest” in my wife...not necessarily financially, but more of yung time and support she needed for her to succeed on her own.

“Tinuruan ko si Neri mag-ipon at kung paano mag-invest.

“More importantly, instead of simply saying “ako na bahala sa lahat...asikasuhin mo nalang ‘yung bahay,” whenever possible, I would say, “ako muna dito sa bahay...asikasuhin mo yung mga kelangan mo gawin”, which gave her the time and energy to focus on her goals,” ani Chito.

Ngayon daw ay kumikita na nang malaki ang kanyang asawa.

“Ngayon, mas malaki na siya kumita kesa sakin (even before mawala yung gigs!), at nung tumigil yung tugtugan, at least hindi ako masyado na-stress dahil aside from the fact na nakagawa ako ng mga secon­dary sources of income, alam ko na kaya kaming buhayin ng asawa ko sa pamamagitan ng pagbenta ng tuyo, suka, kape, at beddings pam-bed and breakfast lang eh hahaha!”

Hindi rin nahiyang umamin ang singer na napakalaking tulong ng negosyo ni Neri sa kanilang pamilya.

“I’m proud to say na ako pa rin ang provider...pero mas proud ako kay Neri dahil sobrang laking tulong nya sa amin because of her online businesses.

“Sya yung nagtuloy sa mga natigil kong mga plano...tulad ng lupa na ‘to na balak ko bilin pero na-udlot dahil sa COVID. Binili nya para sa akin.

“Eto ‘yung bunga ng pagiging ma-ingat at wais ko sa pera, at pagiging supportive na husband.

“Kumbaga sa zombie apocalypse, mas mabuti nang dalawang kayong magaling makipaglaban, kesa sa mag-isa ka lang,” pahayag pa ni Chito.

Sa larawan na ipinost niya ay makikitang nasa harap siya ng bakanteng malaking lupa na sabi nga niya sa caption niya ay binili ni Neri.

Katakut-takot na papuri ang tinanggap ni Chito mula sa kanyang followers kabilang na nga si Megastar.

“Yan ang mahusay na padre de pamilya. Kahangahanga ka. Nakakatuwa, nakakabilib, at nakakainspire kayo!” komento ni Shawie.

CHITO MIRANDA SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with