^

Pang Movies

Raffy nanahimik sa mga tulong!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Raffy nanahimik sa mga tulong!
Raffy

Totoo nga na kahit hindi ka pulitiko puwede at madali kang tumulong kung talagang gugustuhin mo.

Si Raffy Tulfo, isang broadcaster at journalist grabe kung magbigay tulong. Walang halaga basta kaya niya, bigay-todo siya. Walang fanfare, walang mara­ming salita walang sinasabi. Kaya hindi napagbi­bintangang mayabang dahil walang sinasabi, bigay lang nang bigay.

Imagine na binigyan niya ng P500K si Donita Nose, walang sinasabi, binigay lang dahil kailangan nito na pati anak niya at asawa na si Rep. Josephine, hayun nag-abot din. Bongga.

Tunay at galing sa puso, hindi iyon naka-press release sa lahat, alam ng lahat at kulang na lang ipaskel sa pader para mabasa.

Iyon ang tulong, walang salita, walang sinabi, basta binigay.

Raffy Tulfo is the man, Salve, the real man. Talagang unsung hero ng mga tao ngayon, real/genuine man of charity.

Tumutulong, nagbibigay, hindi kailangan ang yabang. Bravo and salute, Raffy Tulfo.

Dingdong 1000% ang paghahanda sa new normal taping

Matapos ang ilang buwang break sa taping, naghahanda na raw ngayon sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at  Rocco Nacino na magbalik-trabaho para sa pinagbibidahang programa na Descen­dants of the Sun: The Philippine Adaptation.

Napanood ko sa 24 Oras, ibinahagi ni Dingdong na pinag­hahandaang mabuti ng kanilang team ang magiging proseso sa pagbabalik-taping para maging ligtas ang pagtatrabaho nilang lahat bilang pagsunod sa health protocols.

“Kailangan ‘yung preparedness namin kung dati level 100, dapat 1000 siguro ngayon kasi we’re not after time but also our safety and the safety of others as well.”

Maging si Rocco ay excited na ring muling magtrabaho. “Ganado kaming magtrabaho ulit. Ramdam namin ‘yung excitement at saya kasi nga naramdaman namin na may balik ‘yung pinaghirapan namin.

Nice din ang pagkakapanalo nito bilang Most Popular Foreign Drama of the Year sa katatapos lang na 15th Seoul International Drama Awards.

Congrats.

vuukle comment

RAFFY TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with