^

Pang Movies

Showbiz personalities na naging one day millionaire, problemado ngayon

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

During this time ng global pandemic, marami sa showbiz personalities ang hirap sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan dahil may ilang buwan na rin silang walang trabaho habang marami rin sa kanila ang maayos na naitatawid ang kanilang daily needs dahil nakapag-ipon sila noong wala pang pandemya.

Maraming personalidad sa showbiz ang tinaguriang `one day millionaire’ dahil walang habas kung gumastos sa perang kinikita na parang wala nang bukas.

Hanggang ngayon ay napaka-uncertain pa rin ng kinabukasan ng industriya ng pelikulang Pilipino at maging sa telebisyon at kasama na rin dito ang buong entertainment industry. Maraming mga manggagawa ang wala pa ring trabaho hanggang ngayon. Ang mga comedy bar which include Allan K’s Klownz and Zirkoh ay nagsara na displacing hindi lamang ang mga empleyado kundi maging ang mga regular performers na singer-comedians. Halos wala ring outlet ngayon ang singers-performers dahil kanselado ang shows and concerts hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Napakalaking bilang ang bumubuo ng entertainment industry at marami sa mga taga rito ay walang hanapbuhay.

Kapag hindi rin pinaboran ng Kongreso ang muling pagbubukas ng ABS-CBN, hindi lamang ang 11,000 na empleyado ang direktang maapektuhan kundi maging ang kanilang mga pamilya na umaasa sa kanila.Nariyan din ang mga artista, directors, technical people, writers and production personnel, production designers, wardrobe consultants, stylists, make-up artists, catering services, extras, equipment rentals at iba pa na tatamaan sa tuluyang pagsasara ng broadcast network.

Sa araw na ito, Biyernes, ay malalaman ang kaparalan ng No. 1 major TV network kung sila’y papaboran o hindi ng mga mambabatas na ang iniisip ay sarili nilang interes kaysa sa interes ng samba-
yanang Pilipino na sa panahong ito ng pandemya ay nangangailangan ng tamang impormasyon, entertainment at serbisyo publiko.

Rhen Escano, hindi nakakalimutan si Kuya Germs

Nagpapasalamat ang young Viva actress na si Rhen Escano sa malaking break na naibigay sa kanya nang siya’y mapasama sa top-rating and longest-running action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga tumatayong direktor ng serye.

Kung nabubuhay pa ang kanyang tatay-tatayan, ang Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, tiyak na matutuwa umano ito para sa kanya.

Si Rhen ay isa sa mga discoveries ni Kuya Germs at matagal na naging bahagi ng 20-year-old late night variety show na Walang Tulugan with the Master Showman na pinagmulan din nina Ken Chan, Jake Vargas, Jake Roberto, Sanya Lopez, Michael Pangilinan, Marlo Mortel, Buboy Villar at iba pa.

Matapos mapasama sa pelikulang Untrue, si Rhen ay agad binigyan ng pinakamalaking break sa pelikula nang siya’y i-launch sa erotic-thriller film movie na Adan na pinagsamahan nila ng beauty queen-turned actress na si Cindy Miranda at kasunod na rito ang pagpasok niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with