^

Pang Movies

Heart, nagbigay ng ayudang sax!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Heart, nagbigay ng ayudang sax!
Heart

Hindi na lang financial aid sa mga may sakit at laptops ang ipinamimigay ni Heart Evangelista dahil nitong nasa Sorsogon siya, may binigyan siya ng wheelchair at mukhang mada­dagdagan pa ang mabibigyan dahil sa post nitong “Hoping to be able to give out more wheelchairs in the coming days.”

Bukod doon, may musikero na binigyan nila ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ng saxophone. Pinost ni Heart ang photo nila ng musician habang ibinibigay ang sax at sabi, “Heard about Csaean who plays beautiful music at the Capitol. @escuderochiz and I decided to give him his very own saxophone so he can continue to entertain Sorsoganons who love to stroll around at night- practicing safety measures, of course.”

Hindi maaakusahan si Heart na namumulitika kaya tumutulong sa mga may sakit, namimigay ng tablets, wheelchair at saxophone at may Big Heart PH project na tutulong sa mga estudyante dahil nasabi na nitong wala siyang balak pumasok sa pulitika. Tama na ang pahayag nitong “Politics is not for me. I can help without that kind of power,” sabi ng Kapuso actress.

Speaking of Heart, nahanap na kaya niya ang 19-year-old na si John Carlo Rosell na ipinanawagan niya?

Ilang araw na raw nawawala si John Carlo na kaibigan ni Heart ang tita, kaya pati siya gustong mahanap ang binata.

Sharon, apat na lote ang patatayuan ng mansiyon

Pinag-uusapan sa socmed ang laki ng floor area ng ipatatayong bahay nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa Cavite na may 3500 sq. m na floor area. Ang tanong ng netizens, magkita-kita pa kaya noon sina Sharon, Kiko at kanilang mga anak?

Ang usapan pa, four lots ‘yun na pinagsama-sama at premiere property sa South ang location, kaya ‘yung mga nagtaray na sa Cavite lang pala magpapatayo ng bahay sina Sharon at Kiko, mapapahiya kayo dahil maganda ang lugar na pag-aari ng mga Ayala.

Napuntahan namin ang dating bahay nina Sharon at Kiko na ipina-demolish nang mang-imbita sila ng entertainment press. Medyo maliit nga ang bahay, pero kasya sa kanila, maganda, may pool at maraming tanim sa paligid. Mabuti at tinakpan ni Sharon ng ink ang location ng kanilang magiging bahay na kitang-kita nang kanyang i-post ang blueprints. Pero sabi naman nito, “It is a tightly-guarded, gated Ayala community like Ayala Alabang, Dasma and Forbes are.”

Anyway, may pinost si Sharon na American flags at may caption na “Happy July 4th, U.S.A.! God bless AMERICA” na tiyak, kung hindi disable ang comment box niya, aawayin na naman siya ng bashers at trolls. Sasabihing may pinatatamaan siya sa kanyang post.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with