^

Pang Movies

Mga Pinoy na atleta kulang sa aruga

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakita mo, Salve, kung gaano kalaki ang Sports University sa Malaysia ‘di bah? At sa Korea naman very special talaga sa kanila ang mga athlete nila kaya meron talaga silang training school para sa mga ito.

Ganoon nila pinahahalagahan ang sports sa kanila, at ganoon din nila kung ingatan ang mga atleta nila kaya hindi kataka-takang idol na idol nila si Boxing Champ Manny Pacquiao.

Siguro kung mas maganda lang dito sa atin ang kondisyon ng mga atleta natin at meron din tayong sports university o school, baka hindi lang nag-iisa si Manny Pacquiao, Lydia de Vega, Eugene Torre, at iba pang Pinoy sports personalities na nag-excel.

Saka dapat iniingatan sila, inaalagaang mabuti, kumakain nang tama, at talagang alaga para world class talaga, hindi iyong suwertihan lang para ma­ging kampeon.

Alagaan mula pa lang sa simula para maganda ang finish.

Mga apektado ng pandemic hindi na puwedeng iasa sa ayuda 

Dahil sa pandemic nakita natin ang extreme poverty sa maraming lugar na hindi tayo aware.

Nakita rin natin na kahit ang malalaking bansang hindi handa sa ganito kalaking problema na kahit saan problema pa rin ang kakulangan ng hospital, medical facilities, staff at iba pa. Na maski ang education sector ay hindi na alam ang gagawin?

At iyon talagang malaking destruction na nangyari sa mundo ay dahil sa illegal logging at mining?

Siguro nga kaya nangyayari ito ay para ipakita sa atin na pag nagkaroon ng ganitong pande­mic, matataranta ang lahat at hindi alam ang gagawin na hindi agad makakaisip ng solusyon.

If we take it seriously and learn a lesson from it, dapat magsimula nang humanap ng solusyon at sana hindi na muling mangyari pa at kung sakaling dumating man ay alam na natin ang gagawin at handa na tayo. At ang mga nakitang problema, sana mahanapan na ng solusyon.

Hindi kakayanin ng gobyerno na ipagpatuloy lang ang hands out o relief goods. Kailangang maghanap ng paraan para magkaroon ng makakain at hindi lang iasa ng marami ang lahat sa gobyerno.

Naku, now is the time para gamitin ng mga namamahala sa atin ang kanilang brilliant minds, please.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with