Daniel aminadong nangangapa sa mangyayari sa career!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 24, 2020 - 12:00am

Handa na nga ba ang mga artista natin sa tinatawag na “new normal” kung saan ay iba na ang paggawa ng pelikula at teleserye? Ready na ba silang yakapin ang digital world na siyang magiging isa sa main platforms na ngayon sa showbiz?

Ito ang naitanong ni direk Adolf Alix, Jr. kina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo and Daniel Padilla sa tsikahan nila sa fundraiser live event called #ExtendTheLove Presents Actors’ Cue sa Facebook last Friday.

Ayon kay Zanjoe, hindi rin daw niya ma-imagine ang ganitong bagong estilo sa pagte-taping or shooting. “Marami tayong pwedeng gawin, marami tayong pwedeng maisip na idea. Pero. . .unang-una, tulad ko rito, ang hina ng internet ko, di ba, paano ako makikisali diyan?

“Kailangan kong lumuwas ng Manila para meron akong. . .mga ganu’n. Pero magagawan at magagawan ng paraan ‘yan,” ani Zanjoe.

Aminado naman si Daniel na talagang sa ngayon ay nangangapa pa silang lahat. “Lalo ngayon, eh nangangapa pa talaga tayo sa new normal, hindi ba?

“Lahat tayo, eh nangangapa pa, testing waters pa talaga tayo ngayon. Pero I think, hindi ko rin kasi alam pa, eh. Ako rin, direk, hanggang ngayon, iniisip ko pa kung paano nga ba ang sitwasyon na ‘to, eh.

“Pero ang pinaka-relevant na gawin is to adapt. We have to adapt. ‘Yan ang pinaka-kailangan na­ting gawin kasi if we don’t, wala tayong mapupu­n­tahan,” pahayag ni DJ (tawag kay Daniel.)

Ayon naman kay Joshua, talagang malaki raw ang pagkakaiba ng “new normal” sa dati nilang ginagawa. “Kasi mas safety first dapat tayo ngayon. Mas kokonti tayo ngayon sa trabaho natin, so malaki talaga ‘yung pagkakaiba.

“Pero magwo-work at magwo-work ‘yung mga ‘yan, eh, mga taong ‘yan. Kahit gaano pa kahirap ‘yung nangyayari sa atin, eh magtatrabaho ‘yang mga ‘yan,” sey ni Joshua.

Accepted naman ni DJ na talagang pumasok na tayo sa digital age.

“Iba na talaga sa generation natin ngayon. Pwede mo nang ipakita ang husay mo o pwede ka nang sumikat nang hindi kailangan ng tulong ng iba, eh. You just need the internet, di ba, and a concept,” he said.

Kung noon daw, ang mga nauna sa kanilang mga artista ay hindi basta-basta nakikita ng mga fans, hindi na raw ganu’n ngayon.

“Eh ngayon, meron na tayong digital world, eh. Du’n pa lang, ibang-iba na, eh. Ang dami na nating platforms ngayon,” sey ni DJ.

DANIEL PADILLA JOSHUA GARCIA ZANJOE MARUDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with