Sharon
Sharon dalawang concert at pelikula na ang nawala sa pandemic
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - May 23, 2020 - 12:00am

Kanselado na rin ang Iconic concert tour sa US nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez na gaganapin sana ngayong May. Ipinost ni Megastar ang announcement sa kanyang Instagram account.

“After lots of thought and consideration for all involved in our upcoming concerts (the traveling entourage and our beloved audiences), we have sadly decided that we have to postpone ‘Iconic’ The North American Tour originally due to begin this May 2020. We hope that you have your full understanding and pray life gets back to normal very soon.

“Please watch our social media pages for updates and information as we will be rescheduling this tour as soon as it is safe to do for all. Any tickets already purchased will be valid for the upcoming rescheduled dates. God bless us all and stay safe everyone!” ang nakasaad sa announcement.

Sa kanyang IG live session ay nagpahayag din ng pagkalungkot si Sharon sa pagkakansela ng concert. Pangalawang concert tour na niya itong nakakansela at ang una ay sa Australia noong April.

Bukod sa dalawang concert tour ay may dalawang pelikula rin daw siya na nawala dahil sa COVID-19.

“Well, we all have to work. Kasi, na-delay ‘yung retirement ko, anim na buwan na halos na jobless din ako. Ang laki na ng nawala sa akin. Dalawang concert tours at dalawang pelikula na so far,” sabi ni Shawie.

Ayaw naman daw niyang magsimula ng shooting hangga’t hindi totally nawawala ang virus.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with