^

Pang Movies

IATF aprub ang guidelines ng PMPPA

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Bago ang lahat, gusto ko lang magkuwento nang kaunti. Ang PMPPA o Philippine Motion Picture Producers Association ang isa sa pinaka-matandang samahan sa industriya ng pelikula. Kung hindi kami nagkakamali nagsimula sila bilang MAMPPA, o Manila Motion Picture Producers’ Association, na nang kalaunan ay ginawa na nilang nationwide dahil may mga producer din ng mga pelikulang Bisaya.

Natatandaan namin, kasama na iyan ng noon ay Mayor Antonio Villegas ng Maynila, nang simulan nila ang Manila Film Festival noong 1966. Ang nilalabanan noon ng PMPPA ay ang mga sinehan na ayaw maglabas ng pelikulang Pilipino, dahil nakatali sila sa kontrata sa mga foreign film distributor. Kasama ang mayor ng Maynila, ginawa nila ang Pista ng Pelikulang Pilipino at napasok nila ang mga sinehan na naglalabas lang ng mga pelikulang ingles.

Diyan sa PMPPA din lumawak ang festival at naging MMFF noong 1975. Pinagtulungan iyan ng noon ay pangulo ng PMPPA at mayor pa ng San Juan na si Joseph Estrada, at ni Presidential Assistant at Censors chief na si Secretary Guillermo de Vega. Mula rin sa PMPPA ay natatag ang Mowelfund, dahil noong panahong iyon, hindi pa sakop ng SSS ang mga manggagawa sa pelikula. Naging pasimuno rin ang PMPPA sa pagkakatatag ng Film Academy of the Philippines. Dahil na rin sa PMPPA kaya nagkaroon naman ng IMPIDAP noong araw ang mga independents.

Walang duda na ang mga nasa PMPPA ang nakakaalam ng pulso at takbo ng industriya ng pelikulang Pilipino. Sa ngayon lang makikita ang line up, ang chairman nila ay si Malou Santos, presidente si Tata Orly Ilacad, vice president si Robbie Tan, opisyal din sina Joey Abacan at Joji Alonzo, aba eh iyan ang mga beterano sa produksiyon ng pelikula. Kung may gagawing regulasyon sa industriya ng pelikula, malaking kalokohan talaga kung hindi mo man lang sila konsultahin.

Ang Regal naman ay isa sa mga namuno sa pagtatatag ng IMPIDAP noon at nagtatanong din si Roselle Monteverde ng Regal kung bakit walang konsultasyon sa inilabas na guidelines sa paggawa ng pelikula, at hindi kinonsulta itong mga totoong gumagawa ng tunay na pelikula?

Bakit nga naman basta magpapatupad ng guidelines nang hindi naman umaayon ang mga dapat na gumawa? Papaano mo nalaman kung ano ang mas mabuti, kaysa sa mga taong siyang totoong gumagawa ng pelikula?

Iyan ang problema ngayon. Iyan ang mga tanong na hinihintay din namin kung ano ang kasagutan. Pero nagsumite na ang PMPPA ng sarili nilang guidelines sa IATF na sinabi nga nilang sinabi pa ni Secretary Harry Roque na maaari nang ipatupad dahil pinayagan na ng IATF ang muling produksiyon ng pelikula, at mas alam ng mga taga-pelikula kung ano ang gagawin nila.

Birthday concert ni Nora, may pag-asa pa kayang matuloy?

Birthday ngayon ni Superstar Nora Aunor at 67 years old na siya. Noong kababalik pa lang niya mula sa US, sinasabing sa kasunod na birthday niya ay magko-concert siya sa Araneta Coliseum dahil bago iyon ay maooperahan na siya ng doctor na gumamot din kay Julie Andrews at maibababalik na ang kanyang boses, na kasing ganda noong panahong kumakanta pa siya ng Pearly  Shells. Pero hindi natuloy iyon hanggang sa mawala na nga si Kuya Germs na siya sanang magpo-produce ng naturang concert.

Matutuloy pa kaya ang isang concert ni Nora sa isang birthday niya?

vuukle comment

MAMPPA

PMPPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with