^

Pang Movies

Film producers nagkasundong pahinga muna sa paggawa ng pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May nagkuwento sa akin na nag-usap na raw ang ilang film producers, at mukhang buo ang kanilang loob na huwag munang gumawa ng pelikula kahit na ang shooting ay pinapayagan na sa ilalim ng GCQ o General Community Quarantine at maging sa Modified ECQ o Enhanced Community Quarantine.

“Bakit ka gagawa ng pelikula eh sarado naman ang mga sinehan. Saan mo ipapalabas iyon? Matutulog lang ang puhunan o ibebenta mo sa TV at cable, na napakamura ngayon dahil ang daming pelikulang wala namang paglalabasan,” sabi sa amin ng isa sa kanila.

Kaya wala pa ring trabaho ang mga artista, writers, director at iba pang manggagawa sa industriya ng pelikula, kasi papaano ka nga namang gagawa ng pelikula kung sarado naman ang mga sinehan. Wala pa ring trabaho ang mga takilyera, portera at iba pang manggagawa sa sinehan, at higit sa lahat lugi pa rin ang mga mall dahil hindi makapagbukas ang mga sinehan nila.

Maraming artista nanghihingi ng tulong kay Mayor Goma

Napakaganda ng panawagan ni Jennylyn Mercado sa fans, na huwag namang pagtawanan ang mga nasasabi kung minsan ng mga star ng ABS-CBN.

May mga pagkakataong, masyado silang natatangay ng kanilang emosyon at hindi na napag-iisipang mabuti kung ano ang kanilang sinasabi, basta na lang sila haharap sa camera at bubunghalit kung ano ang nasa loob nila na nagiging katawa-tawa tuloy para sa iba.

Hindi naman talaga maganda iyong pinagtatawanan mo ang hindi magandang nangyari sa iba. Isipin mo nga naman ang mga taong iyan, bigla silang nawalan ng trabaho. Hindi naman lahat ng artista may malaking ipon, at iyang halos dalawang buwan na silang walang kinikita, hindi biru-biro iyan.

Hindi ba inamin na nga ni Mayor Richard Gomez na marami na sa kanyang mga kapwa artista ang tumawag sa kanya at humihingi ng tulong, dahil halos dalawang buwan na silang walang kita. Bukod naman doon sa mga bida, hindi malaki ang bayad sa mga supporting stars. Kung iisipin mo, sa mga damit lamang na ginagamit nila at sa lifestyle na kailangan nilang ma-maintain, kulang iyon. Iyon nga lang, nagbabaka-sakali sila na isang araw maging sikat din at lumaki ang kita.

Ang TV na lang ang pinagkakakitaan nila ngayon dahil bagsak nga ang mga pelikula at kung gagawa naman sila ng indie, aba eh barya lang ang bayad doon dahil hindi naman kumikita. Kaya nga siguro nang ipasara ang ABS-CBN, talagang ang tindi ng sama ng loob nila. Doon naman nagsimula iyong kung anu-ano nang nasasabi nila nang hindi napag-iisipan at napagtatawanan.

Pero masisisi ba ninyo sila kung nangyayari man ang ganoon?

vuukle comment

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with