Mayor Isko, binuweltahan ni Sen. Ping
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 5, 2020 - 12:00am

Mangiyak-ngiyak sa sama ng loob si Manila Mayor Isko Moreno, sa isang video niya na lumabas na naghahanap siya kung nasaan na ang ibang senador at mga congressmen na parang nawawala na raw at iniaasa na lamang sa mga LGUs (local government units) ang pag-aasikaso sa kanilang constituents. 

Nasa panahon daw tayo ng krisis kaya dapat ay magtulungang lahat. Nananawagan daw siya hindi bilang mayor ng capital ng Pilipinas, kung hindi isang mamamayan na nakikita ang paghihirap ng mga tao. Hinamon niya ang mga senador at congressmen na i-donate nila ang kanilang buwanang suweldo at huwag umasa lamang sa puwedeng ibigay ng gobyerno. Tama na raw ang sisihan at kontrahan, magtulungan na lamang tayong lahat.

Kaya naman sinagot siya ni Sen. Ping Lacson : “Yorme, kaya po namamahagi ngayon ang gobyerno ng tulong pinansyal kasama na ang lungsod ng Maynila ay dahil nagpagod at nagpuyat ang mga senador kahit may banta ng COVID-19 para ipasa ang Bayanihan Act. Iyan kasi ang mandato namin. Mali ang paratang ninyo na wala kaming ginagawa,” sagot ng senador sa akusasyon ni Manila Mayor Isko.

Samantala, mamayang gabi ay mapapanood si Yorme, sa Amazing Earth ni Dingdong Dantes. Pag-uusapan nila ang mga panukalang clean-up drive sa Maynila na nakikita na ngayon sa Divisoria at Carriedo na patuloy nilang ipinatutupad ang programa. Mapapanood sina Yorme at Dingdong, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Martin bida sa kuwento ng buhay ni Hudas

Magsisimula na ngayong Palm Sunday ang Holy Week, kaya expected na nating mababago na ang programming sa TV, isa rito ay pagtalakay sa buhay ni Jesus Christ. Mapapanood sa GMA Network ang Jesus: His Life at isa si Martin del Rosario sa nagkaroon ng ibang experience nang i-dub niya ang character ni Judas Iscariot, ang disciple ni Jesus na nagtraydor sa kanya kapalit ang 30 pirasong ginto.

“Makulay ang buhay ni Judas kaya hindi madaling umarte na gamit ko lamang ang boses ko at sinusundan ko ang facial expressions ng actor na pinapanood ko sa screen,” sabi ni Martin. “

Sa Good Friday, April 10, at 5:00PM mapapanood ang Jesus: His Life.

Wish granted naman sa fans ng romantic-comedy series na Meant To Be na nagtatampok kay Barbie Forteza, kasama ang four leading men niya, sina Ken Chan, Ivan Dorshner, Addy Raj at Jak Roberto. Bukas na, Holy Monday, April 6, mapapanood na ang serye pagkatapos ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad.

ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with