^

Pang Movies

Maraming artista nag-aaway-away sa isyu ng epidemya!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Palala na nga nang palala ang local transmission ng COVID-19 sa buong bansa, sumasabay pa ang sisihan, kurakutan, bangayan at awayan sa social media ng iba’t ibang personalidad.

Naglabasang muli ang talakan ng pro-P. Digong at anti-Digong ngayon.

Pati mga artista eh nag-aaway-away!

Nakakalungkot siyempre. Isantabi na lang sana natin muna ang bangayan.

Magkaisa tayong lahat upang mapuksa ang salot na ito.

Alalahanin na ngayong araw na ito ay Palm Sunday.

Bawal man ang public gatherings ngayon, idaos natin ang okasyon sa panonood ng live streaming ng misa sa araw na ito.

Nakakapanibago man, wala tayong choice kung hindi ang sumunod.

Once matapos ito eh magagawa natin ang dati nating ginagawa.

Ang hinihintay namin ay ang mga istoryang mabubuo na isasalin sa big screen at mga depresyong dulot ng virus.

Lalabas na naman tiyak ang creativity ng filmmakers natin kapag gumawa sila ng movies na tumatalakay sa epekto ng COVID-19.

Bongga yata ang mga title na Kapitan Kupit, Kurakot Gang at iba pa!

Maging matapang naman kaya ang ilang producers, writers at directors na ipakita ang reyalidad sa panahon ng virus?

Reality bites, huh!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with