Alden runner ng pamilya
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 26, 2020 - 12:00am

Isa si Alden Richards sa mga nanawagan na ipagdasal ang ating mga frontliner, mga doctors, nurses at hospital helpers, pulis at military, sa pagsisilbi nila sa mga tao, kaugnay ng COVID-19 pandemics. Marami na sa  kanila ang mga naka-quarantine na rin dahil sa pakikisalamuha nila sa mga pasyente at ilan na rin sa kanila ang pumanaw.

Naging sentimental si Alden nang makausap sa  24 Oras dahil ang older brother pala niyang si RD (Richard Daniel) ay isa ring frontliner sa hospital na pinapasukan nito sa California.  Gusto man ni Alden na pigilan ang kuya niya, alam niyang hindi ito papayag dahil trabaho niya iyon.

Nakabantay naman si Alden sa kanyang Lola Linda at Lolo Danny, kaya nandun lamang siya sa kanila sa Nuvali, Sta. Rosa City at biro niya, siya ang runner ng pamilya para bumili ng mga pangangailangan nila.

Last Tuesday evening, kasama sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna Sotto, nagkaroon sila ng Bayanihan sa Panalangin, pagdarasal ng Holy Rosary, alay para sa mga frontliners at mga biktima ng Covid-19 at ang dasal na mawala na ito.

At pakiusap nila: please stay at home, para hindi na kumalat ang virus!

Luane at Max, parehong baby boy ang first baby

Looking forward na ang mag-asawang Carlo Gonzales at Luane Dy sa nalalapit na pagsilang ng kanilang baby boy on May 1. Nag-post si Luane ng maternity shoot nila ni Carlo with a caption: “Excited to meet this little person who is half me and half the one I love.”

Medyo worried din si Luane sa nalalapit niyang pagsisilang dahil nga sa kasalukuyang kalagayan ng bansa natin. Mabuti na raw lamang at kahit sa telepono ay natsi-check up siya ng kanyang OB-Gyne.  Dasal niyang bago ang kanyang pagsisilang ay tapos na ang pandemic na ito.  On maternity leave na si Luane sa Unang Hirit at si Carlo naman ay stop din muna ang taping ng Descendants of the Sun Ph.

Baby boy din ang first baby ng mag-asawang Pancho Magno at Max Collins.  Halata ang nerbyos ni Pancho nang gawin nila ang gender reveal sa kanilang youtube channel ni Max. Nang si Max naman ang tinanong kung ano naramdaman niya ngayong nalaman na nilang baby boy ang isisilang niya, sagot niya: “I knew it, a baby boy!”

Stay at home lamang ang mag-asawa at inihahanda na nila ang magiging room ng isisilang niya. 

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with