^

Pang Movies

Ronnie nangharana sa health frontliners

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Marami ang bumilib sa singer na si Ronnie Liang dahil wala siyang takot sa COVID-19 at nangharana ng health workers. 

Sa mga nagtataka kung bakit kasama ang singer and pilot na sa mga naghahatid at nagsusundo sa ilang mga health worker, ito ay dahil isa siyang army reservist. 

Last February 14 ay natapos niya ang training under Army Pambato” Division sa Tarlac at binigyan ng rank na 2nd Lieutenant. 

Pero magkaiba raw sila ni Matteo Guidicelli.

Si Ronnie ay ipinatawag noong Tuesday para sumama sa mga army na naghahatid at nagsusundo sa mga frontliner. 

Game na game naman si Ronnie dahil part ito ng responsibility niya as army reservist. Gusto rin naman daw talaga niyang makatulong. 

Nangharana pa nga siya sa loob ng coaster na sakay ang mga health worker na papunta sa kanilang duty.

Nice!

Joey may fundraising digital concert na rin

Ka-text ko kahapon si Girlie, misis ng singer na si Joey Generoso.

Kumustahan kami ni Girlie. Naka-work ko kasi sila dahil sa Acoustic Playlist na pre-Valentine concert ni Joey with Rey Valera na ginanap sa Palacio de Maynila.

‘Yung US tour nila dapat ng Acoustic Playlist ay postponed. ‘Di rin tuloy lahat ng gigs ni Joey, kaya naka-quarantine rin sila sa bahay.

Sila lang daw sa bahay at hindi na nila pinapapasok ‘yung stay-out na helper nila kaya si Joey raw, nahihilig magluto ngayon.

Marunong magluto si Joey. Tumutulong din ako, pero nahihilig nga siyang magluto. Ang ginagawa niya, kung ano ‘yung niluto niya for our lunch, ‘yon na hanggang dinner namin. Masaya nga. Kami na rin gumagawa ng lahat ng mga kailangang gawin sa bahay,” sabi ni Girlie.

Suggestion ko nga pala kay Girlie ay mag-live si Joey sa social media habang nagluluto at kantahan na rin niya ang followers niya para mapanood naman ‘yon ng mga fan ng singer.

Actually, may inaayos kami, may tie-up sa isang store, para rin makapag-raise ng funds para makatulong sa mga nagwo-work para sa pagsugpo ng COVID-19,” sabi ng misis ni Joey.

Abangan na lang ang details tungkol doon sa Joey G Official Facebook page at @joeyg.music sa Instagram.

At least, for a good cause ito!

‘Yun na!

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with