Sa ganda raw ng lahi Marian and Dingdong hinihirItan na ng baby no. 3
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

Nataranta na naman ang netizens nang ilantad ni Marian Rivera sa kanyang Instagram ang picture nilang mag-anak kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Kuha ito sa The Farm San Benito kung saan doon nag-celebrate ng Valentine’s Day ang pamilya.

Pinansin ng netizens ang kaguwapuhan ni Ziggy na artistahin daw ang dating. Gigil ang komedyanteng si Pokwang sa ganda ng lahi ng pamilya, huh!

Kantiyaw ni Iya Villania, eh Baby no. 3 raw pero sangga naman ng ilang netizens, gusto muna nilang unahin ni Yan ang Kapuso series niyang The First Yaya.

Oppa ni Bela ninenega na hindi sikat at guwapo

Kumpirmado na ang pakikipagpareha ni Bela Padilla sa  South Korean actor na si Kim Gun-Woo sa pelikulang Ultimate Oppa.

Si Bela na talaga ang pumalit sa binakanteng posisyon ni Nadine Lustre sa Viva. Eh buntis ngayon si Anne Curtis kaya pahinga muna sa movies.

‘Yun nga lang, may mga nega na citizens na ayaw magpakilala na hindi solved sa Korean actor. Mula sa isang anonymous netizen, “Wala na ba silang makuha na mas gwapo at mas sikat na Korean actor?”

Mula pa sa isang ayaw magpakilalang netizen, “Baka matulad lang ito sa You With Me at Sunshine Family na flop.

“Akala yata nila pag may Korean sa movie eh magkandarapa ang mga Pinoy manood ng movie dahil sa sinasabi na baliw na baliw daw tayo sa mga Koreano,” komento ng ayaw ring magpakilala.

Naku, huwag maging judgmental sa kakayahan ng Viva sa pag-promote ng movie, huh! Hindi naman puwedeng lagi na lang si JC Santos ang leading man ni Bela, huh!

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with