^

Pang Movies

Martin magiging ninong ni KZ

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pang-masa

SCENE: Lumipad kahapon ang pamilya ni Aga Muhlach sa ibang bansa para sa kanilang much-deserved vacation matapos ang box office success ng Miracle in Cell No.7. For twelve years, naging tradisyon na ng pamilya ni Aga na magdiwang ng Pasko sa ibang bansa pero nagbago dahil sa pelikula niya na kalahok sa MMFF.

SEEN: Magkakasabay na magbubukas sa mga piling sinehan sa Malaysia, Brunei at Singapore sa January 10  ang Miracle in Cell No. 7 bilang pagbibigay sa kahilingan ng mga kababayan natin na naninirahan at nagtatrabaho sa mga nasabing bansa.

SEEN: Mentor ni KZ Tandingan si Martin Nievera kaya hindi siya nagdalawang-salita nang hilingin niya sa Concert King na maging ninong sa kasal nila ng kanyang fiance na si TJ Monterde. Magaganap ngayong taon ang pag-iisang dibdib nina KZ at TJ.

SCENE: Certified pilot na ng Cebu Pacific ang former GMA News reporter na si Steve Dailisan na may mensahe para sa mga katulad niya na natupad ang pangarap na maging commercial pilot.

“To you, who keeps on doubting your capabilities, BELIEVE that you are LIMITLESS. GOD is GREAT. Take it from a financially challenged guy who never dreamt of flying because it’s expensive and his family can’t simply afford it. YOU, TOO can MAKE IT HAPPEN!”ang inspiring message ni Steve.

MARTIN NIEVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with