^
KZ aminadong âkuyaâ ang pakakasalan
KZ at TJ

KZ aminadong ‘kuya’ ang pakakasalan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - January 2, 2020 - 12:00am

Habang panay ang hugot ni KZ Tandingan sa kanyang mga kanta para sa ibang tao at fans na kabilang sa camp sawi, heto proud siya na nag-post sa social media last Monday ng picture nila ng BF niyang si TJ Monterde na suot ang kanyang engagement ring.

Yes, bago nga matapos ang taon ng 2019 ay humabol ang magdyowa ng engagement announcement.

Trending ang post ni KZ ng sweet picture nila sabay hugot nito na “Kung puso ko ay imamapa, Ikaw ang dulo, gitna’t simula” at mas lalong kinilig ang lahat sa pag-share rin ng photo ni TJ na “Thank You God, for my wife to be.”

Si TJ ay hindi lang mahusay na singer at long-time boyfriend ni KZ, kundi pareho silang magkakabayan na tubong Davao City.

Bumuhos ang pagbati at wishes ng fans na sumubaybay sa love story ng dalawa na nagsimulang magbarkada bago nagkaroon ng romantic relationship.

Nung una ay hindi makapaniwala si KZ na may gusto sa kanya si TJ dahil kuya ang turing nito sa kanya.

Inamin din ni KZ na nabiktima siya “kuya zone” ni TJ na lihim na palang may damdamin sa kanya. Ang description naman ni TJ kay KZ ay manhid dati dahil kaibigan nga lang ang turing sa kanya kaya pinatunayan pa noon ng una ang kanyang love sa GF na idinaan sa harana ng kantang “Falling in love at a Coffee Shop” at inaabot ng isang taon ang kanilang ligawan.

Ngayon ay sobrang long hair ni KZ dahil finally ay ikakasal na sila ng kanyang dyowa. Umaasa ang mga fans na mas magiging malalim pa ang mga hugot songs ni KZ dahil sa umaapaw nitong kasayahan sa kanyang buhay ngayon.

KZ TANDINGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with