^

Pang Movies

Alden nagtutulog sa Korea

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nasa Incheon, South Korea na sina Alden Richards, his youngest sister Angel and Daddy Bae. 

Based sa tweet ni DB yesterday morning, na “yung feeling na tinitingnan mo mga anak mo habang pareho pa silang tulog...” mukhang pagtulog nga agad ang inuna ni Alden pagdating nila roon.

Naging very busy kasi si Alden bago siya nagbakasyon. Last Friday maghapon siyang nag-taping ng The Gift na nagtapos sa Christmas party ng cast at production staff and crew sa Concha’s Quezon City ng actor na inabot na ng madaling-araw.

Saturday morning naman maaga ring naghanda si Alden dahil 1:00pm ang wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina na isa siya sa groomsmen kasama sina Rayver Cruz, Kristoffer Martin at Matteo Guidicelli na ginanap sa Manila Cathedral. Inabot na rin sila ng midnight sa wedding reception sa Sofitel Manila.

At before lunch ng Sunday, December 22, flight nila to South Korea. Hindi na rin nakasama ang sister ni Alden na si Riza dahil siya ang nagma-manage ng McDo Biñan nila sa Laguna.

Pero bago umalis, tinanggap na ni Alden ang gift sa kanya na isang Honda X-ADV Scooter 750cc, na idineliber sa kanya sa taping niya ng The Gift last Friday, matapos niyang mag-guest sa Christmas party ng Whelltek.

Sabi ay malaking halaga rin ang presyo ng scooter.  Dahil doon, si Alden na kaya ang susunod na endorser ng Whelltek?

Babalik din si Alden sa December 28 dahil may taping na siya muli ng The Gift sa December 30.

Kyline bakasyon grande rin

Sasamantalahin muna ni Kyline Alcantara ang Christmas break kasama ang kanyang family sa bakasyon nila sa Ilocos. Bukod sa parents niya at dalawang kapatid, kasama rin nila ang lolo at lola niya sa mother side. Mula sa show ni Kyline sa SM Tarlac last Sunday evening, dumiretso na sila ng Laoag City at pupunta rin ng Vigan City.

At least nakapahinga na si Kyline bago mag-start ang bagong Sunday noontime show nila na All Out Sunday starting on January 5, 2020, with other Kapuso stars to be headed by Alden Richards.

Magsisimula na ring mag-taping si Kyline ng bago niyang Afternoon Prime drama series na Bilangin Ang Bituin Sa Langit with Superstar Nora Aunor and Mylene Dizon sa January, 2020. 

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with