Pelikula ni Iza pangabog ang poster
Iza
Pelikula ni Iza pangabog ang poster
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - November 30, 2019 - 12:00am

Ang ganda ng poster ng Metro Manila Film Fetival 2018 entry na Culion.

Sa poster pa lamang ay alam mong may saysay ang pelikula dahil starring dito ang isa sa pinakamaganda at mahusay nating artistang babae na si Iza Calzado. Suwerte rin siguro ng movie dahil without meaning to, nabiyayaan ito ng isang kontrobersya involving John Lloyd Cruz na sinasabi ng marami ay maliit lamang ang participation sa film pero pinalalabas nilang major role player ito.

Masisisi mo ba ang produksyon kung gamitin nila si JLC?

Kasal ni Vhong nailayo sa problema

At least nakaraos na ang kasal nina Vhong Navarro at ng long time partner niyang si Tanya Bautista. Kahit sa Japan ito naganap, andun ang pamilya nila maging ang It’s Showtime family at ang kaibigan niyang sina John Lloyd Cruz, Billy Crawford at Coleen Garcia.

Buti rin at sa isang malayong bansa ito ginanap, hindi ito nakadagdag sa problema ng SEA Games at sa dumaraming kontrobersya nito.

Bea idinenay din si Jake

Buti naman at pinangangatawanan ni Bea Alonzo ang sinabi niyang bakasyon muna siya sa pag-ibig. Dumaragdag na kasi ang naniniwalang mayroon nang something na namamagitan sa kanila ng aktor na si Dominic Roque. Nakasama niya kasi ito abroad at andun din ito sa kanyang birthday.

Kung nagdududa man ang tao, ito ay dahil sa pagsulpot ni Jake Ejercito na agad naman niyang itinangging manliligaw niya.

Sa social media lamang sila nakakapagusap. Mas magkaibigan daw sila ni Dominic.

IZA CALZADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with